WATCH: Paano pinili ni Ronnie Liang ang mga kanta sa kanyang latest album? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Marami nang nag-aabang sa bagong album ng former 'Pinoy Pop Superstar' contestant na si Ronnie Liang. Paano nga ba niya pinili ang mga kanta sa kanyang album?

WATCH: Paano pinili ni Ronnie Liang ang mga kanta sa kanyang latest album?

By AEDRIANNE ACAR

 

Marami nang nag-aabang sa bagong album ng former Pinoy Pop Superstar contestant na si Ronnie Liang.

Mabibili na ang latest album niya na “12, Ronnie Liang” na co-produced niya katuwang ang Viva Records.

 

 

 

Sa one-on-one interview ng hottie singer sa Sikat sa Barangay, ikinuwento niya kung paano siya nagdesisyon sa mga kanta na isasama sa kanyang album tulad na lang ng version niya ng single ni Clara Benin na ‘Tila.’

Paliwanag ni Ronnie, “Ang ‘Tila’ po, ang original na kumanta nito ay si Clara Benin. Nagpapasalamat ako na i-record siya para makagawa ng version ko naman.”

“Yung way ng pagpili kasi co-producer po kasi ako tapos sa pagpili ng song nag-survey kami so parang ano ba ‘yung mga gusto n'yong songs ngayon na marinig na version ko. So yun ‘yung sinama namin… Alam mo naman mahilg tayo sa mga hugot na kanta,”