WATCH: Anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina, naglabas ng sariling album | GMANetwork.com - Radio - Articles

Matapos mag-viral, naglabas ng kanyang self-titled album si Angelina Cruz, ang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

WATCH: Anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina, naglabas ng sariling album

By CHERRY SUN

Matapos mag-viral, naglabas ng kanyang self-titled album si Angelina Cruz, ang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Iniulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras na isa nang ganap na recording artist ngayon si Angelina.

Sambit ng dalaga, “I feel exhilarated and really over the moon to be able to have this thing. It's just so exciting.”

Kitang-kita ang pagka-proud ni Sunshine habang pinapanood ang kanyang anak sa album launch nito.

“Parang sinisipon ako. Nagkasakit na yata ako sa sobrang kabado,” wika ng Kapag Nahati Ang Puso star.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Angelina na inimbitahan din niya ang kanyang ama ngunit hindi ito nakadalo.

Aniya, “I tried my best po communicating but yeah, not really, not that much. I honestly wish him the best, that the three of us, like me and my sisters are always gonna be there for him.”