WATCH: Kim Rodriguez at Kimpoy Feliciano, ibinahagi ang roles na gusto nilang gampanan in the future | GMANetwork.com - Radio - Articles

Napuno ng tawanan at chikahan ang naging guesting nina Kim Rodriguez at Kimpoy Feliciano kahapon, August 20, sa 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: Kim Rodriguez at Kimpoy Feliciano, ibinahagi ang roles na gusto nilang gampanan in the future

By AEDRIANNE ACAR

 

Napuno ng tawanan at chikahan ang naging guesting nina Kim Rodriguez at Kimpoy Feliciano kahapon, August 20, sa Sikat sa Barangay. 

Ano ang pinakakakaibang tanong na natanggap ni Papa Marky sa 'Talk to Papa?'

Dito, nagkuwento si Kim Rodriguez tungkol sa mga dapat abangan sa karakter niya sa Inday Will Always Love You na si Erika.

Paliwanag ni Kim, “Marami pero kung si Erika ba ay patuloy na magiging mabait kay Happylou o nagpapanggap lang siya para makuha niya si Patrick.”

Ibinahagi rin nila kay Mama Belle ang gusto nilang maging roles sa mga susunod nilang proyekto.

Nakikita ni Kim ang sarili na maging isang action star.

Aniya, “Gusto ko naman po aksyon. Yes, kasi hindi ko pa nata-try ‘yung nakikipagbarilan ako, nakikipagsuntukan ako, mala-Asian Treasures lang ang peg.”

Mas challenging na role naman ang hangad ni Kimpoy Feliciano sa next character niya na malayo sa ginagampanan niya ngayon sa Inday Will Always Love You.

“Ako po ang gusto ko ‘yung malayo naman sa karakter ko, kasi lagi akong pa-cute. Dapat ano naman, ‘yung single dad,  may sakit.” 

Abangan ang mga star-studded guests ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay sa bago nitong time slot 5-7 P.M. sa Barangay LS 97.1.