WATCH: Julie Anne San Jose promotes new hugot single in her 'Breakthrough' album | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa pagbisita ni Julie Anne sa 'Sikat sa Barangay' kahapon, August 29, nagkuwento siya tungkol sa patok na romantic song na parte ng kaniyang ‘Breakthrough’ album under Universal Records.

WATCH: Julie Anne San Jose promotes new hugot single in her 'Breakthrough' album

By AEDRIANNE ACAR

 

Perfect sa mga Kapuso listeners na mahilig sa mga hugot songs at nasa isang long distance relationship ang bagong single ng Kapuso diva na si Julie Anne San Jose.

 

Sa guesting ni Julie Anne sa Sikat sa Barangay kahapon, August 29, nagkuwento siya tungkol sa patok na romantic song na parte ng kaniyang ‘Breakthrough’ album under Universal Records.

Aniya, “May bago akong kanta, ang pangalan po ng kantang ito ay ‘Tayong Dalawa’ bale kasama po ito sa aking ‘Breakthrough’ album.”

“Medyo nostalgic ‘yung music video niya and ‘yung song very hugot levels. Sa lahat po ng nakikinig ngayon na may pinagdadaanan sila na long distance relationships, ayan naku ang sakit nyan.”

Matatandaan na noong Hunyo, agad na umabot sa number one spot ng iTunes PH Charts ang ‘Tayong Dalawa’ ilang minuto lang bago ito i-release.

LOOK: Julie Anne San Jose's latest single "Tayong Dalawa" debuts at number one