WATCH: Snooky Serna, humanga sa pagganap ni Reese Tuazon sa life story niya sa 'Magpakailanman' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Matutunghayan sa Kapuso weekly-drama anthology na 'Magpakailanman' ang buhay ng isa sa mga batikang aktres sa showbiz na si Snooky Serna.

WATCH: Snooky Serna, humanga sa pagganap ni Reese Tuazon sa life story niya sa 'Magpakailanman'

By AEDRIANNE ACAR

 

Matutunghayan sa Kapuso weekly-drama anthology na Magpakailanman ang buhay ng isa sa mga batikang aktres sa showbiz na si Snooky Serna.

Ang napiling gumanap bilang young Snooky Serna sa episode na ito ang promising young talent na si Reese Tuazon.

Kuwento ni Reese nang makapanayam siya sa Talk To Papa, nag-research daw siya sa mga past movies ng veteran actress tulad na lang ng ‘Stupid Cupid’ at ‘Teenage Marriage.’

Pero umamin ang Victor Magtanggol star na may pressure nang tanggapin niya ang role.

Wika niya, “Masaya na nakakaproud pero may certain pressure din na kasama 'yun kasi Ms. Snooky Serna po ito. So, nanood po ako ng YouTube movies niya before pinag-aralan ko ‘yung mga galaw niya, kung paano siya magsalita. Sana nabigyan ko ng justice.”

Puro papuri naman si Snooky Serna sa direktor nila na si Rechie del Carmen sa mahusay nitong pag-direhe ng kanilang episode.

“Actually were so thankful kasi si Direk Rechie del Carmen, napakagaling mag-direk. Actually siya ‘yung kinakausap namin for coaching, kasi she (Reese) did her homework talagang ni-reaserch din niya ‘yung life ko.”

Thankful din ang celebrity mom kay Reese sa effort na ibinigay nito para i-portray ang buhay niya sa Magpakailanman.

“I can see naman that she was really serious on what she was doing and I thanked Reese for giving the role justice.”