WATCH: What happened to former Down To Mars member Nasser after the group disbanded in 2014? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Extra special ang pagbabalik-Pilipinas ng dating Down To Mars member na si Nasser na naka-based na sa Singapore ngayon kung saan siya nagtatrabaho.

WATCH: What happened to former Down To Mars member Nasser after the group disbanded in 2014?

By AEDRIANNE ACAR

 

Extra special ang pagbabalik-Pilipinas ng dating Down To Mars member na si Nasser na naka-based na sa Singapore ngayon kung saan siya nagtatrabaho.

Sa kanyang pagbabalik, pino-promote niya ang kaniyang single na isang revival na kanta ni Jim Brickman na “Your Love.”

Sa guesting ni Nasser sa Sikat sa Barangay, ikinuwento niya ang mga nangyari sa kanya matapos mag-disband ang Down To Mars at kung paano siya napadpad sa Singapore.

Kuwento niya, “Nung nag-disband kami ng Down To Mars noong 2014, nag-decided ako na umalis at pumunta sa Singapore, una para mag-study. Pero hindi ko kaya masustain, so nag-work na lang ako sa Singapore. So ngayon, OFW na po ako.”

Napili naman ang rendition niya ng Your Love bilang official theme song ng Thai remake ng hit korenovela series na Princess Hours na napanood exclusively sa Kapuso Network.

Video from CurveEnt's YouTube channel

Hindi raw madali kay Nasser na i-record ang kanta, dahil nasa ibang bansa na siya nagta-trabaho.

“Actually nakakatuwa po ‘yung story ng ‘Your Love’ ng Princess Hours, kasi una nagpapasalamat pala ako sa Curve Entertainment because binigyan nila ako ng chance na mag-interpret ng song na Your Love originally by Jim Brickman.”

“Maganda ‘yung story nito kasi ni-record ko siya sa Singapore, nung ni-record ko sinend ko ‘yung song dito sa Pilipinas tapos dito nila ginawa ‘yung final mixing. So actually it’s a guinea pig project,”

Taos-puso rin pasasalamat ng magaling na singer sa lahat ng mga Kapuso na may positive feedback sa pagkanta niya sa theme song ng Princess Hours.

“Hindi ko din po inexpect na magiging ganito kaganda and ganito tatanggapin nung mga tao. Tapos nagpapasalamat din ako sa GMA and especially kay Tito Joey Abacan for believing in me, nung narinig niya kasi ‘yung song sabi niya puwede maging theme song.”

Balikan ang kulitan with the boy group Down To Mars nang mapasabak sila sa Live Chat ng GMANetwork.com.