EXCLUSIVE: Papa Ding, may payo kay Lady Gracia nang maging opisyal na Kabarangay | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ano ang payo ibinigay ni Papa Ding kay Lady Gracia nang maging opisyal na siya maging Kabarangay? Alamin dito: 

EXCLUSIVE: Papa Ding, may payo kay Lady Gracia nang maging opisyal na Kabarangay

By AEDRIANNE ACAR

Malaki ang pasasalamat ni Lady Gracia sa mainit na pag-welcome sa kaniya ng Metro Manila disk jocks ng Barangay LS bilang newest addition sa kanilang pamilya.

EXCLUSIVE: Sino si Ms. Trendy ng Barangay LS 97.1? http://www.gmanetwork.com/radio/articles/2018-09-11/936/exclusive-sino-si-ms.-trendy-ng-barangay-ls-97.1

Galing Barangay FM 92.7 sa Baguio City si Ms. Trendy kaya naman hindi niya naiwasang manibago nang mapili siya ng Radio GMA management na lumipat sa Manila.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Lady Gracia sa kaniyang pictorial sa loob Kapuso Network compound, ikinuwento niya na pinakauna niyang naging close sa Barangay radio hosts ay si Papa Ding.

Wika niya, “Una si Papa Dudut talaga, sina Mama Cy though nakaka-usap ko sila para sa ibang trabaho, sa Pera Sopresa mga ganiyan or Barangay Love Stories mga ganiyan, kasi isa ako sa mga editor ng 'Barangay Love Stories.'

"Pero nung pumunta na ako dito sa Manila, ang pinaka naging ka-close ko talaga si Papa Ding. Bibong-bibo talaga, Bibo ng Dance Floor sabi nga nila bibo din sa pakikipag-kaibigan.”

Dagdag ni Lady Gracia, mas naging madali din adjustment niya sa Barangay LS dahil ang mga veteran hosts ng FM station ay naging accommodating sa kaniya kahit may pangalan na sila sa industriya.

“Sa kanilang lahat okay naman sila, talagang naramdaman ko ‘yung pag welcome nila sa akin. Medyo nakakatakot kasi, siyempre, malalaking tao na mga ‘to may mga pangalan na [laughs].”

Ibinahagi din niya sa exclusive interview niya sa GMANetwork.com ang payo ni Papa Ding sa kaniya para maipakita niya ang galing niya bilang isang DJ.

Ani Lady Gracia, “Ang lagi kasi niyang sinasabi sa akin ang napapansin kasi niya sa akin na parang masyado akong attached sa Baguio.

“Kasi, sobrang ang sarap mahalin nung Baguio, sa lahat ng pumunta dun alam ko maintindihan nila ‘yun, kasi sobrang sarap tumira talaga dun.”

“Ako naman parang ex ko pa ang Baguio City, na parang hindi pa ako makapag-move on sa kaniya

“Pero laging sinasabi sa akin ni Papa Ding, ‘Kaya hindi mo mailabas kung sino ka, kung ano ka, kung ano ‘yung galing mo kasi masyado ka pang attached sa Baguio.”

“’Kung kaya mong i-let go ‘yan at mahalin mo na ang Manila, mahalin mo na ‘to. Dito na ang buhay mo, magagawa mo na [lahat].’”

Busog kayo sa papremyo at good vibes kasama si Lady Gracia sa newest radio program sa tanghalian na Barangay Big Taym! tuwing Monday-Friday 11 AM-1 PM at sa Sabado Big Taym! naman mula 9 AM-12 NN.