WATCH: Lance Raymundo, mas tumaas ang kaniyang boses matapos mabagsakan ng barbell sa mukha | GMANetwork.com - Radio - Articles

May positibong epekto raw ang nangyaring freak gym accident noon kay Lance Raymundo. Alamin dito:

WATCH: Lance Raymundo, mas tumaas ang kaniyang boses matapos mabagsakan ng barbell sa mukha

By AEDRIANNE ACAR

Muling ibinahagi ng actor-singer na si Lance Raymundo ang malagim na aksidente na nangyari sa kaniya habang nagwo-workout noong 2014.

Matatandaan na nabagsakan siya sa mukha ng isang barbell na may bigat na 80 lbs.

Sa one-on-one chikahan niya kay Mama Belle sa “Sikat sa Barangay” last October 9, sinabi niyang sobrang delikado ang aksidenteng nangyari sa kanya apat na taon na ang nakakaraan.

Wika ni Lance, “Actually, sa gym nakahiga ako tapos nagdu-dumbells ako, ganiyan. ‘Tapos, may nakasabit na barbell sa taas, na ‘yung trainer accidentally niya natabig.

“Tapos habang nagwo-workout ako from afar nahulog talaga ‘yung barbell sa mukha ko, kaya it’s deadlier than people thought.”


Sa kabila ng nangyari, naniniwala pa rin si Lance na blessing in disguise ang aksidente na ito.

Pero tanong ng marami, naapektuhan ba ang kaniyang singing voice?

Tugon niya, “Actually, alam mo sobrang naging blessing, ‘no? Aside from, of course, nabuhay ako, tumaas pa lalo ‘yung boses ko and I got stronger, parang mas rejuvenated.”

“So, naging blessing din in disguise lahat ng mga pinagdaanan ko paghihirap like for one year and a half.”

Panoorin ang full interview ni Lance Raymundo sa Squad Leader na si Mama Belle sa Sikat sa Barangay.