WATCH: Julie Anne San Jose, humanga sa mga Pinoy animators ng 'Barangay 143' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Hangang-hanga si Julie Anne San Jose sa Pinoy animators na gumawa ng first Filipino anime na Barangay 143.

WATCH: Julie Anne San Jose, humanga sa mga Pinoy animators ng 'Barangay 143'

By AEDRIANNE ACAR

Proud ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose na mapabilang sa mga magbibigay-boses sa lead characters ng first ever Filipino anime na Barangay 143.

Sa panayam sa Kapuso singer sa Sikat sa Barangay kahapon, October 16, ikinuwento ni Julie Anne ang mga dapat abangan sa bagong anime series na ito ng GMA-7.

Wika niya, “Barangay 143, ang first ever Filipino anime dito sa Piipinas, ipapalabas sa GMA napakaganda ng istorya po nito. And of course, sa lahat ng mga anime lovers, mga basketball lovers out there, for sure na mae-enjoy n’yo ‘yung show.”

 

WATCH: Lance Raymundo, mas tumaas ang kaniyang boses matapos mabagsakan ng barbell sa mukha

Saludo din ng Kapuso singer-actress sa hardworking at talented Filipino animators na nagbuhos ng kanilang oras para maisakatuparan ang proyektong ito.

Dagdag ni Julie Anne, “Kasi, ito po ay gawang Filipino, so napaka-talented po ng mga Filipino animators and shout out din po sa mga mahuhusay naming writers.

“It’s all about basketball, it’s all about your dreams, sa pagkamit ng inyong mga pangarap, and siyempre, hindi lang ito pang sports, pang pamilya pa.”

Panoorin ang buong panayam ni Mama Belle kay Julie Anne sa Sikat sa Barangay sa video below.