WATCH: Donnalyn Bartolome, may sorpresang album para sa kaniyang avid fans | GMANetwork.com - Radio - Articles

Balik sa pagpo-promote ang “Kakaibabe” singer na si Donnalyn Bartolome, dahil may bago siyang album para sa kanyang fans na sobra siyang na-miss.

WATCH: Donnalyn Bartolome, may sorpresang album para sa kaniyang avid fans

By AEDRIANNE ACAR

Balik sa pagpo-promote ang “Kakaibabe” singer na si Donnalyn Bartolome, dahil may bago siyang album para sa kanyang fans na sobra siyang na-miss.

 

Sa guesting niya sa kay Mama Belle sa Sikat sa Barangay last October 23, ikinuwento niya ang cute album niya na ‘Surprise’ na naglalaman ng mga kanta tulad na lang ng ‘Itatama Pa Ba o Tama Na’ at ‘Di Lahat.’

Saad ni Donnalyn, “Kasi Mama Belle nung ni-release ko siya walang nakakaalam, surprise! [laughs] Eight songs po yan,”

“Medyo matagal nga po siya gawin ‘yun Mama Belle kasi 'di ba ako nagsusulat.”

Balikan ang buong guesting ni Donnalyn Bartolome sa Barangay LS at higit na kilalanin ang pretty singer sa game na hinanda ng Squad leader na si DJ Belle.