WATCH: Vince Vandorpe, ibinahagi ang mga dapat abangan sa teleserye na 'Cain at Abel' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa one-on-one interview ni Vince Vandorpe sa 'Talk To Papa' ngayong Huwebes ng hapon, November 15, nagkuwento ang Kapuso actor tungkol sa kanyang role sa pinakabagong drama ng GMA, ang 'Cain at Abel.'

WATCH: Vince Vandorpe, ibinahagi ang mga dapat abangan sa teleserye na 'Cain at Abel'

By AEDRIANNE ACAR

Matapos mapanood sa hit Kapuso romcom series na Meant To Be, makakasama naman sa higanteng soap na Cain at Abel ang mestizo hunk na si Vince Vandorpe.

Gaganap si Vince bilang si Rafael, ang love interest ng former Kambal, Karibal star na si Pauline Mendoza.

Sa one-on-one interview ni Vince sa Talk To Papa ngayong Huwebes ng hapon, November 15, nagkuwento ang Kapuso actor sa mga dapat abangan sa Cain at Abel.

 

 

Wika ni Vince, “Story siya about two brothers .Noong bata pa sila they got separated. Marami din siyang aksyon, ‘yun ang maganda. It’s filled with action, tapos drama din.”

Ni-reveal din ng Fil-Belgian model ang ilang detalye patungkol sa karakter niya bilang Rafael.

Aniya, “Ako ‘yung kapatid ni Dingdong [Dantes] tapos ‘yung mommy ko si Ms. D. [Dina Bonnevie], tapos ang tatay ko dun si Tito Eddie Gutierrez.

“The thing is, in the story [si Dingdong] perfect siya, tapos ak,o hindi ako masyado matalino. So mataas ang expectations ng parents ko sa story. So I try to lived up to that,”

Balikan ang masayang kuwentuhan nina Papa Obet at Papa Marky kasama si Vince Vandorpe sa Talk to Papa.