WATCH: Paano tinanggap ni Kyline Alcantara ang below the belt comments ng bashers? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa 'Talk To Papa' interview ni Kyline Alcantara, sinagot niya ang mga tanong tungkol sa kanyang mga basher. "Huwag naman idamay ‘yung family ko."

WATCH: Paano tinanggap ni Kyline Alcantara ang below the belt comments ng bashers?

Nakakagulat pa rin daw hanggang ngayon para sa Kapuso teen star na si Kyline Alcantara ang mga sunud-sunod na recognitions na natanggap niya ngayong taon.

#HakotQueen: Kyline Alcantara thankful for her numerous awards

Matatandaan na itinanghal si Kyline bilang New Female Recording Artist of the Year sa 2018 PMPC Star Awards for Music nito lamang Setyembre at nasungkit din niya ang Best Kontrabida award sa 4th RAWR Awards para sa kaniyang performance sa primetime series na Kambal, Karibal.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Kyline Alcantara on today's @barangaylsfm! Have you grabbed a copy of her latest album 'Kyline?' ?

Isang post na ibinahagi ni GMA Artist Center (@artistcenter) noong

 

Sa one-on-one interview sa magandang dalaga sa Talk To Papa ni Papa Marky, this Tuesday afternoon, ibinahagi ni Kyline ang saloobin niya sa mga parangal na nakamit.

Aniya, “Like never in this world po na parang na imagine na magkakaroon ako ng award. Kumbaga dati parang imposible ata na magkaroon ako ng award, so parang I’m just really happy. Wala po akong pakialam kung mas bibigat pa ‘yun.”

Hindi na rin daw bago kay Kyline Alcantara ang negative comments ng bashers sa kaniya.

Inulan din daw siya ng hate comments sa una niyang soap na ginawa noong 2011.

Kuwento ni Kyline, “Well nung first kasi ang pinaka-first kong role, 2011 ata ‘yun is kontrabida na ako. So, may mga nagsasabi nun na ‘ibabaon kita ng buhay,’”

“Sabi ko ‘bakit nila ako ginaganiyan?’ So parang umiyak talaga ako sa parents ko.”

Sa kabila nito, nirerespeto raw ng Kapuso teen actress ang mga opinyon ng mga tao. Pero may paki-usap si Kyline na huwag daw sana umabot below the belt ang mga binabato sa kaniya at sa pamilya niya.

Paliwanag niya, “Pero ngayon like my recent show Kambal, Karibal, ang dami kong characters na na-portray dun, so ang dami din kumbaga na nanggagaling na comments sa kanila.”

“May freedom of speech sila, pero huwag naman idamay ‘yung family ko or below the belt talaga. Kasi, it’s just my character, kumbaga trabaho ko.”

Tutukan ang exclusive chat ni Papa Marky kay Kyline Alcantara sa Talk To Papa below.