#ProudKapuso: Papa Marky at Janna Chuchu, nag-uwi ng parangal
November 29 2018
Certified winner ang dalawa sa mga paborito ninyong Barangay LS disc jocks, matapos kilalanin sa dalawang malaking awarding ceremony.
Wagi si Janna Chuchu sa katatapos na 2018 World Class Excellence Japan Awards kung saan nasungkit niya ang parangal bilang Outstanding Asian DJ/Anchor.
Ginanap ang awarding ceremony nito sa Fukuoka, Japan noong November 18.
Samantala, napili naman ang tinaguriang ‘Life Coach’ ng Barangay LS na si Papa Marky bilang Pop Radio Jock (DJ) of the Year sa Philippine Pop or PPOP Awards of 2018.
Hindi ito ang unang beses na nanalo si Papa Marky dahil dalawang taon na ang nakararaan ay inuwi rin niya ang Best Radio DJ of the Year sa 3rd Inding-Indie Short Film Festival.
Congratulations, we are proud of you mga Kapuso!
Comments
comments powered by Disqus