EXCLUSIVE: Papa Dudut, humanga sa professionalism ni Mike Enriquez | GMANetwork.com - Radio - Articles

Papa Dudut on Mike Enriquez: "...Ang haba ng ibinigay na pahinga  pero nagulat ako, before Christmas right, after the operation, nagbalik kaagad siya.” Read more!

EXCLUSIVE: Papa Dudut, humanga sa professionalism ni Mike Enriquez

By AEDRIANNE ACAR

Ibinahagi ng award-winning radio host na si Papa Dudut na binigyan ng mahabang panahon ang GMA News pillar na si Mike Enriquez na magpahinga matapos ang kaniyang heart bypass surgery noong September. Pero mas pinili pa rin ng highly-acclaimed radio personality na bumalik agad sa trabaho.

 

Papa Dudut
Papa Dudut

 

LOOK: Mike Enriquez returns to hosting 'Super Balita sa Umaga'

Ayon sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Papa Dudut, dito niya mas lalong hinangaan ang ‘Imbestigador ng Bayan,’ dahil sa professionalism nito sa kaniyang trabaho. 

Paliwanag ni Dudut, “Alam n’yo, si Sir Mike, actually, kung tutuusin binigyan pa siya ng mas mahabang oras para magpahinga, pero si Sir Mike kasi being the Mike Enriquez and "Imbestigador ng Bayan," alam mo hilaw na hilaw sa pagpapahinga niya.”

“Doon ko lalo nakita ‘yung professionalism ng isang dapat iniidolo nating news anchor. Kasi sa amin nakapaligid sa kaniya, alam namin na ang haba ng ibinigay na pahinga pero nagulat ako, before Christmas, right after the operation nagbalik kaagad siya.”

Ramdam din ng Barangay Love Stories host na na-miss ni Mike Enriquez ang mga Kapuso na hinahanap ang style niya na pagbabalita na patas at walang kinikilingan.

Aniya, “And ‘yun ang nakakatuwa, ‘yung mga idol natin in the industry. Alam mo sabik na sabik si Sir Mike, naramdaman ko sa kaniya especially when I saw him on TV sa DZBB and 'pag nakikinig ako sa kaniya sa radyo na hindi pu-puwede na hindi niya makakapiling kasi ‘yung mga Kapuso natin in public service especially, dahil alam niya na maraming Kapuso na umaasa sa tama at patas na pagbabalita na maibibigay ng isang Mike Enriquez.”

Hiniling din ni Papa Dudut sa lahat na ipagdasal si Mike Enriquez para mas mabilis na manumbalik ang lakas ng pangangatawan nito.

“Lalo nating ipagdasal na lalong lumakas habang ginagawa ni Sir Mike ‘yung trabaho niya lalo siyang lumakas para mas mahabang taon pa ang pagsamahan natin.”