Mama Cy: Mas maraming Kabarangay ang maaring manalo sa Pera Sorpresa 9 | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nangako ang Radio GMA na mas maraming Kapuso at Kabarangay ang makakasali sa panalong proof-of-purchase promo na Pera Sorpresa.

Mama Cy: Mas maraming Kabarangay ang maaring manalo sa Pera Sorpresa 9

By AEDRIANNE ACAR

Nangako ang Radio GMA na mas maraming Kapuso at Kabarangay ang makakasali sa panalong proof-of-purchase promo na Pera Sorpresa.

 

Mama Cy
Mama Cy

 

READ: Weekly prizes await new RGMA Pera Sorpresa winners

Sa one-on-one interview ng Potpot & Friends host na si Mama Cy sa GMANetwork.com, sinabi nito na may chance nang sumali sa Pera Sorpresa ang listeners sa mga malalayong lugar mula sa AM at FM stations ng GMA-7 sa mga probinsya.

Paliwanag ni Mama Cy, “For this year ang Radio GMA Pera Sorpresa ay hindi lamang nag-focus sa mga kalapit na area ng FM and AM operations.

“Lumabas po tayo sa mga usual nating nasasakupan, kahit hindi tayo umaabot dun naglagay tayo ng mga drop boxes just to give chances dun sa mga Kapuso na masyado malayo sa ating mga radio stations, di ba para makasali rin po sila sa ating Radio GMA Pera Sorpresa.”

Hangad din ng buong Radio GMA group na mabago ang buhay ng isang lucky winner na mag-uuwi ng grand prize na 1 million pesos.

Natatandaan pa ni Mama Cy nang makilala niya ng personal ang grand winner ng Pera Sorpresa 8. 

Kuwento ng radio host, “Alam mo ‘yung winner natin last time nung Pera Sorpresa 8 speechless siya hanggang sa makuha niya ‘yung cash prize. Very thankful lang daw siya and of course medyo naghahalo-halo na sa kaniyang isip kung ano ang kaniyang gagawin sa napanalunan niyang isang milyon. Kasi ang ating winner last time, simple lang ‘yung kaniyang pamumuhay.”

Ano naman kaya ang sikreto para mapanalunan ng mga Kabarangay ang grand prize sa Pera Sorpresa?

Payo ni Mama Cy, “Pero para sigurado ang susi po diyan hindi PM is the key, hindi po ‘yun eto po ‘yun mas marami po kayong entries na ipapadala siyempre lahat po ng sponsors natin na kasama, kasi siyempre the more entries you send, the more chances of winning lalo na po sa grand draw.”

For additional details, tune in to the FM and AM stations of Radio GMA nationwide. Log on to the promo’s Facebook page at www.facebook.com/PeraSorpresaNationwidePromo or watch the Pera Sorpresa mechanics plug, You can also visit www.gmanetwork.com/radio  for details.