WATCH: Jamming session with Better Days sa 'Sikat sa Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bumisita ang fast-rising OPM band na Better Days sa Sikat sa Barangay last January 10 para i-promote ang first EP (extended play) nila na ‘Nararamdaman.’

WATCH: Jamming session with Better Days sa 'Sikat sa Barangay'

By AEDRIANNE ACAR

Bumisita ang fast-rising OPM band na Better Days sa Sikat sa Barangay last January 10 para i-promote ang first EP (extended play) nila na ‘Nararamdaman.’

 

Sikat sa Barangay
Sikat sa Barangay

 

Sila ang banda sa likod ng kantang ‘Sige Lang.’

 

Naka-one-on-one ni Mama Belle ang miyembro ng Better Days na binubuo nila Daniel, Rosner, Gelo at G2.

Dito ikinuwento ng lead vocalist na si Daniel kung bakit napili nila ang titulo na ‘Nararamdaman para sa kanilang EP.

Paliwanag ni Daniel, “Nararamdaman kasi ‘yun nga dahil bago pa lang kami magkakasama sa loob ng Better Days lahat ng sinusulat naming kanta, lahat ng mga lyrics, lahat ng arrangements nung music lahat ‘yun nakabase sa nararamdaman namin. Sa nararamdaman ng isang tao 'tsaka kuwento ng mga kaibigan namin kung ano ‘yung nararamdaman nila sa isang partikular na pangyayari.”

 

Balikan ang Playlist performance ng Better Days ng hit single na ‘Sige Lang’ sa video below.