Sikat sa Barangay: David Licauco talks about his new show 'Toda One I Love' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kilig to the max ang episode ng 'Sikat sa Barangay' kahapon, January 15, dahil bumisita ang isa sa pinakapopular na chinito heartthrob sa showbiz.

Sikat sa Barangay: David Licauco talks about his new show 'Toda One I Love'

By AEDRIANNE ACAR

Kilig to the max ang episode ng Sikat sa Barangay kahapon, January 15, dahil bumisita ang isa sa pinakapopular na chinito heartthrob sa showbiz.

 

David Licauco
David Licauco

 

Nakasama ni Mama Belle ang model-actor na si David Licauco kung saan nag-promote ito ng pinakabago niyang primetime series na Toda One I Love.

 

Sino-sino kaya ang makakasama niya sa Kapuso soap na ito?

Kuwento ni David, “Ito po ‘yung TODA One I Love. I’m going to be starring with Ruru Madrid and Kylie Padilla.  At marami pang iba sila Gladys Reyes, Victor Neri, Raymond Bagatsing, Kimpoy Feliciano, Jackie Rice at marami pang iba.”

“Sana po abangan n’yo po ‘yun, ginagawa po namin ‘yung best namin para makapagbigay ng magandang show.”

Mas lalo pang naging exciting ang naging pagbisita ni David sa Sikat sa Barangay nang binanggit nito ang ilan sa mga qualities ng kaniyang ideal girl.

Panoorin ang buong panayam sa chinito bae sa Sikat sa Barangay sa Facebook video below.