Kristoffer Martin, binalibag ni Paolo Contis sa kama; kaniyang pogi tips, ibinahagi! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ibinahagi ni Kristoffer Martin sa 'Walang Siesta' ng dzBB ang eksenang hindi niya makakalimutan sa 'Magpakailanman' bilang isang straight guy na nagkarelasyon sa isang lalaki. 

Kristoffer Martin, binalibag ni Paolo Contis sa kama; kaniyang pogi tips, ibinahagi!

“Kapag nagmahal ka, hindi mo pipigilan 'yung sarili mo sa nararamdaman mo dahil doon ka masaya eh.”

 

Kristoffer Martin
Kristoffer Martin

 

Ito ang pahayag ng aktor sa pagbisita niya noong January 19 sa programang Walang Siesta ng Super Radyo dzBB nang tanungin siya ng Divadingdings hosts kung ano ang aral na natutunan niya sa pagganap bilang Peter sa GMA Drama Anthology program na Magpakailanman presents “Fathers and Lovers.”

“Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang guro na iniwan ng kaniyang asawa at nakatagpo ng isang pagmamahal sa pakikipag-chat sa Facebook na kapereho ko ding iniwan ng asawa, kaya nagkaintindihan kame.”

Nang tanungin ng Divadingdings hosts kung straight ba ang role ng actor ay sumang-ayon ito.

“Straight guy kami rito, lalaki kami parehas na may anak, pero parehas kaming iniwan ng aming mga kinakasama, so nakilala ko siya (Rocky na karakter ni Paolo) at naka-relate kami parehas hanggang sa nakaramdam na kami ng kakaibang pagtitinginan,” dagdag pa ng actor.

Ibinahagi naman ni Kristoffer ang eksenang hindi niya makakalimutan sa kaniyang pagganap sa episode ng Magpakailanman.

“Ang eksenang hindi ko makakalimutan ay 'yong binabalibag ako ni Paolo sa kama e, tapos don na nagaganap 'yung ano, alam n'yo na susunod,” pakiliting sambit ni Kristoffer.

Nagbahagi rin ang aktor ng kaniyang pogi tips, “Matutong rumespeto sa babae at sa lahat ng gender.”

Maayos ang Physical Appearance

Flattered din ito sa mga natatanggap niyang komento sa social media tuwing nag-a-upload ito ng kaniyang mga topless photo.

Aniya, pinaghirapan niya ito kaya naman may ‘k’ daw siyang ipagmalaki ang kaniyang kakisigan sa kaniyang mga social media account.

Makakasama ni Kristoffer sa Magpakailanman presents “Fathers and Lovers” sina Lui Manansala, Gigi Locsin, Lovely Abella, Paolo Paraiso, Yasser Marta, Elle Ramirez, Sue Prado, Ruby Rose Arcilla, Jayla Villaruel, Perry Escano at Neptune Sison.

Mula ito sa direksyon ni Adolf Alix Jr., at sa panulat ni Vien Ello.