WATCH: Ayeesha Cervantes at Bruce Roeland, nagkuwento tungkol sa co-stars nila sa 'TODA One I Love?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nahirapan bang makisama sina Ayeesha Cervantes at Bruce Roeland sa mga co-stars nila sa TODA One I Love?

WATCH: Ayeesha Cervantes at Bruce Roeland, nagkuwento tungkol sa co-stars nila sa 'TODA One I Love?'

By AEDRIANNE ACAR

Malapit nang mapanood ang balik-tambalan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa upcoming primetime series na TODA One I Love.

 

Bruce Roeland at Ayeesha Cervantes
Bruce Roeland at Ayeesha Cervantes

 

Matatandaan na sumikat ang loveteam ng dalawa sa hit telefantasya na Encantadia, kung saan ginampanan nila ang mga karakter nina Amihan (Kylie) at Ybrahim (Ruru).

 

Makakasama din sa highly-anticipated series na TODA One I Love ang dalawa sa promising Kapuso teen stars na sina Ayeesha Cervantes at Bruce Roeland.

 

Sa panayam nila sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle, nagkuwento ang dalawa kung gaano kagaan na makatrabaho ang mga co-stars nila sa Kapuso drama.

Saad ni Ayeesha,  “Sobrang fun po kasi before po ako mag-TODA One I Love, ako puro MPK [Magpakailanman], Wagas. ‘Tapos last na soap ko ‘yung Haplos na drama, so parang itong TODA sobrang fun lalo na nandun sina Ms. Kylie [Padilla], sila Kuya Ruru [Madrid]. At andun sila nagpapasaya sila sa set especially si Buboy Villar sina Ms. Mau.”

Sumang-ayon din si Bruce na walang dull moments tuwing taping ng TODA One I Love

“Ang saya po namin sa behind the scenes po as in,' wika ng young actor. 

Umamin naman si Ayeesha kay Mama Belle na medyo challenging ang bagong project na ito para sa kaniya na isang romantic-comedy series.

Paliwanag ng Kapuso teen actress, “Opo actually mahirap magpatawa kasi hindi mo alam kung paano iaano ‘yung joke mo na matatawa talaga ‘yung tao.”

Higit na kilalanin ang mga Kapuso teen stars na sina Bruce at Ayeesha na mapapanood sa TODA One I Love sa Facebook Live video below ng Barangay LSFM.