Talk To Papa: Will Ashley on his 'Magpakailanman' role: 'Naawa po ko' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Isang challenging episode ang pagbibidahan ng Kapuso tween stars na sina Will Ashley at Sofia Pablo sa patok na weekly-drama anthology na 'Magpakailanman.'

Talk To Papa: Will Ashley on his 'Magpakailanman' role: "Naawa po ko"

By AEDRIANNE ACAR

Isang challenging episode ang pagbibidahan ng Kapuso tween stars na sina Will Ashley at Sofia Pablo sa patok na weekly-drama anthology na Magpakailanman.

 

Will Ashley
Will Ashley

 

Magpakailanman presents "Arrest My Son's Rapist"

Tampok si Will sa episode na may pamagat na “Arrest My Son's Rapist” bilang si Cris na magiging biktima ng kaniyang guro na isa pa lang sexual predator. Bibigyan-buhay naman ng Ika-5 Utos actress na si Gelli de Belen ang karakter ng ina ni Cris na si Thelma.

Sa panayam kay Will Ashley at Sofia Pablo sa Talk To Papa ngayong Huwebes [January 24] ng hapon, hindi daw maiwasan ni Will na maawa sa karakter niyang si Cris.

Saad niya, “Ako po nung nabasa ko po siya kinabahan po ako, na naawa po sa gaganapan ko mismo.”

Para naman kay Sofia Pablo na bibigyan buhay ang role ni Dhine sa episode, first time daw nila ni Will na gumanap sa mga ganitong klaseng role.

Wika ni Sofia, "kasi kakaibang role, nakaka-excite din kasi mas challenging kesa sa mga dating role.”

Nais naman ni Will Ashley na makapag-impart sila ng aral sa kanilang kuwento sa Magpakailanman na mahalaga ang paggabay ng magulang sa kanilang mga anak.

Paliwanag ng Kapuso tween star, “Ang importante po sa isang bata, kailangan po ng gabay ng magulang lagi, kahit na magkalayo man o magkalapit. Dapat po magkasundo pa rin sila para kahit anong mangyari nagagabayan pa rin po.”

Mas lalong kilalanin ang magiging role nila Will Ashley at Sofia Pablo sa pagtatanghal ng Magpakailanman sa Facebook Live video ng Barangay LSFM.