WATCH: Ronnie Liang, umaming nahirapan sa shoot ng music video niya na 'Ligaya' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa one-on-one interview ng magaling na singer sa Sikat sa Barangay kahapon, January 28, sinabi nito na nais niya may maipakita sa mga tao na bago kaya naiisipan niyang sumayaw sa music video ng "Ligaya." Read more.

WATCH: Ronnie Liang, umaming nahirapan sa shoot ng music video niya na "Ligaya"

By AEDRIANNE ACAR

Taos-puso ang pasasalamat ng hottie singer na si Ronnie Liang sa lahat ng mga fans na nagre-request ng kaniyang version ng hit single ng Eraserheads na "Ligaya."

 

Ronnie Liang
Ronnie Liang

 

 


Nakilala si Ronnie nang sumali siya sa mga singing competition sa telebisyon tulad na  lang ng Pinoy Dream Academy at Pinoy Pop Superstar.

Sa one-on-one interview ng magaling na singer sa Sikat sa Barangay kahapon, January 28, sinabi nito na nais niya may maipakita sa mga tao na bago kaya naiisipan niyang sumayaw sa music video ng "Ligaya."

Ani ni Ronnie, “Salamat sa lahat na nagre-request. Siguro for the first time in the history of the planet [laughs] bigla akong sumayaw. Ginawan namin ng ibang version”

Sinigurado din daw ni Ronnie na maging pulido ang lahat kaya kahit mahirap ay mabusisi nilang tinutukan ang detalye ng choreography nila para sa music video. 

“Pero ‘to, talagang nag-workshop po ako, nag-aral po ako ng sayaw. Mga linggo [‘yung practice] tapos talagang naglalaan kami ng oras, nagpa-praktis kami sa studio. Nag-hire talaga ako ng choreographer and pati ‘yung mga back-up dancers talagang inaral namin mabuti.”

“So ilang gabi po ‘yun na page-ensayo para sa kantang "Ligaya," para po handugan namin kayo ng something new. Nung shino-shoot namin ‘yung music video seven hours non-stop, para akong nagzu-Zumba ng pitong oras,”

Balikan muli ang masayang kuwentuhan at kulitan ni Mama Belle with Ronnie Liang sa Sikat sa Barangay via the Facebook Live video below.