Ano ang kulay ng puso ngayon ni Julie Anne San Jose? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Dumalaw ang Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa DZBB radio program na 'Walang Siesta' at dito nagbahagi ng kuwento ang dalaga. Alamin ang detalye sa article na ito.

Ano ang kulay ng puso ngayon ni Julie Anne San Jose?

Nakipag-tsikahan at naki--jamming ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose nang mag-guest ito sa number one program ng DZBB na Walang Siesta.

 

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

 

Game na game si Julie Anne na sinagot ang mga katanungan mula sa Divadingdingdings na sina Tootie, Mega Oh Lala at Janna Chuchu.

Aminado ang Kapuso actress/singer na abala ngayon ito sa kaliwa’t kanang proyekto.

Sa katunayan ay kagagaling lamang nila ni Christian Bautista sa Kapuso concerts titled 'The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only' noong January 27 sa Iloilo Convention Center, Mandurriao, Iloilo City, kasama sina Donita Nose and Tekla at ang The Clash grand champion na si Golden Cañedo bilang kanilang special guest.

Nagpasalamat naman ito sa mga dumalo sa kanilang konsierto.

“Salamat sa mga Kapuso nating Ilonggo na nakisaya sa 'The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only.' Ramdam na ramdam namin ang mainit nilang pagtanggap," lahad ng Asia’s Pop Sweetheart.

Julie Anne San Jose, Christian Bautista to headline 'The Sweetheart and the Balladeer' concert

Dagdag pa ni Julie Anne, magkakaroon muli ng second leg ang kanilang concert ni Christian at para naman ito sa pre-Valentine na gaganapin sa darating na ika-10 ng Pebrero 2019 sa Atrium Limketkai Center, sa Cagayan de Oro.

Samantala, excited naman si Julie Anne dahil magkakaroon ng music festival ang Studio 7 at ito ay ang “Studio 7: Musikalye” na gaganapin sa Eton Centris Concert Park ngayong araw, Enero 31.

Libre ang bayad at dadaluhan ng iba’t-ibang artists ng bansa.

“This coming Thrusday po, ang Studio 7 at ang buong cast ay lalabas po sa Eton. Makakasama namin sina Gloc 9, ang Ex-battalion, Silent Sanctuary, Teeth, The Ones at ang cast ng Kara Mia kabilang sila, Barbie Forteza, Mika Dela Cruz, Paul Salas, Jak Roberto at iba pa,” sambit ni Julie Anne.

At bilang patikim, kakanta daw si Julie Anne ng awitin ng K-POP group na Blankpink.

Singing Career

Ibinahagi naman ni Julie Anne ang kanyang techniques kung bakit napapanatili pa rin niya ang kanyang magandang boses. Nakakaramdam pa rin siya ng nerbiyos sa tuwing umaakyat sa entablado.

“Oo naman po, sobra akong nanenerbiyos. Mahirap kasi kapag napi-feel ko na hindi ako kinakabahan. Umiinom pa rin ako ng malamig na inumin, pero kapag kumakanta ako ay warm lang. Hindi nga ako biritera, meron lang akong mga songs na kaya kong ibirit, pero I can’t say na biretera ako.”

Love life

At dahil malapit na ang Araw ng mga Puso, inusisa ng DIvadingdings kung ano ang kulay ng puso ni Julie Anne…

“Pula, pula na… Parang last year ‘yung Violet e,” maikiling tugo ng Asias Pop Sweetheart.  

Sa pagtatapos ng programa, kumasa si Julie Ann sa Hold-up segment ng Walang Siesta.

Ibinirit niya habang nakaupo ang sariling bersyon ng kantang "Never Enough" mula sa pelikulang, The Greatest Showman.