EXCLUSIVE: Bakit isang stationary ang naging Valentine's Day gift ni Lady Gracia kay Papa Bol? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa episode kagabi, February 14, sa Wanted Sweetheart, nagpalitan ng regalo sina Papa Bol at Lady Gracia. Read more:

EXCLUSIVE: Bakit isang stationary ang naging Valentine's Day gift ni Lady Gracia kay Papa Bol?

By AEDRIANNE ACAR

Bumaha ng kilig sa Valentine’s Day episode ng Wanted Sweetheart: #WantedForever lalo na at magkasama ang tandem nina Papa Bol at Lady Gracia.

 

Lady Gracia at Papa Bol
Lady Gracia at Papa Bol

 

EXCLUSIVE: Ano ang sorpresa nina Lady Gracia at Papa Bol sa listeners ng 'Wanted Sweetheart' this Valentine's Day?

Tila patok ang pagsasama ng dalawa sa listeners tuwing gabi para sa special presentation na ito ng Wanted Sweetheart for Valentine’s week.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Papa Bol at Lady Gracia, natuwa sila na maganda ang kanilang chemistry sa radio show.

Wika ni Papa Bol, “Actually kasi, kung ako tatanungin, kahit sa Big Taym pa lang nage-enjoy talaga ako kasama si Lady Gracia, kasi she’s the type na parang mataray and sweet at the same time. I like that in a person, kumbaga may challenge lalo na 'pag nakakasama.”

Nasorpresa naman si Lady Gracia na may bago silang naipakita sa mga Kabarangay na hindi nila dati nagagawa sa Barangay Big Taym!.  

“May bago pala kasi 'pag nakakasama ko siya sa Bigtaym 'pag nagpo-programa kami, focus kami dun sa game show. Dito naman [sa Wanted Sweetheart: #WantedForever], focus kami sa love. Something na makaka-relate kami kaya mas marami kaming batuhan ng mga ideas. Kasi alam namin na minsan sa buhay namin naranasan namin ‘yung ganito.”

Pinuri din ni Papa Bol si Lady Gracia na madaling nakapag-adjust kahit isang newbie DJ sa Barangay LS 97.1.

Paliwanag ni Papa Bol. “Nagustuhan ko kay Lady Gracia ang bilis niya mag-adapt. Well, the reason for that is napaka-strong ng personality niya kaya talagang she really fits in well dito sa Barangay LS.

“At saka ‘yung confidence na ‘yun eh naka-earn ng respect sa mga co-worker niya. Kumbaga, instead na bini-baby namin siya, parang she really has her own foundation na. So kami natutuwa at nage-enjoy talaga," dagdag ni Papa Bol.

V-Day gift

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you @papabol971ls ♥? #valentinesdaygift #chocolate

A post shared by Lady Gracia (@ladygracials) on


Sa episode kagabi, February 14, sa Wanted Sweetheart, nagpalitan ng regalo ang dalawa.

Laking tuwa ni Lady Gracia na makatanggap siya ng chocolates from the hottie DJ ng Barangay LS.

Aniya, “Kasi mahilig ako sa tsokolate so alam niya ‘yun na dati pa na tsokolate ang nakakatanggal ng galit ko or anything sweet ganun.”

Sobrang na-touch naman si Papa Bol nang bigyan siya ni Lady Gracia ng stationary na may kalakip na mensahe.

 “Ang ganda nun e.. Korni kasi ako pagdating sa ganiyan. When finding my own love, ‘yung parang naniniwala ako sa idea na fairytale story. ‘Yung damsel in distress ililigtas ko,” ani Papa Bol.

Dagdag pa niya, “Ang sarap lang na marinig na someone, a friend, a co-worker na parang iniisip niya na sana dumating ‘yung kung ano man iniintay ko para sa buhay ko.”

Bakit kaya naiisipan ni Lady Gracia na bigyan ng sweet message si Papa Bol?

“Madalas ako magregalo ng stationary sa mga taong mahalaga sa akin, sa mga taong alam ko na ito ‘yung tao na kailangan niya nung love at deserve niya ‘yung love na ‘yun.”  

“Gusto ko tulad nung sinabi ko kagabi para sa mga hindi nakapakinig o nakapanood ng Facebook Live binibigay ko ‘yun para may chance sila na mag-sulat para sa future nila - future wife or future husband nila.”

Balikan ang sweet moments sa Wanted Sweetheart: #WantedForever sa video below.