Sikat sa Barangay: 'To The Top' finalist Cholo dela Cruz, nakaka-relate sa single niya na '(are we) just friends' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Aminado si Cholo dela Cruz na nakaka-relate siya sa mensahe ng kaniyang kanta na ‘(are we) just friends.’

Sikat sa Barangay: 'To The Top' finalist Cholo dela Cruz, nakaka-relate sa single niya na '(are we) just friends'

By AEDRIANNE ACAR

Naging bitter din ba ang 'To The Top' finalist na si Cholo dela Cruz?

 

Cholo dela Cruz
Cholo dela Cruz

 

WATCH: What happened to Cholo dela Cruz after he joined 'To The Top'?

Sa exclusive na chikahan nila ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay kahapon, February 20, umamin ang heartthrob singer na minsan din siyang naging bitter bago dumating sa kaniyang buhay ang kaniyang girlfriend.

Wika ni Cholo, “Opo naku kasi before ‘yung girlfriend ko four years ako walang girlfriend. So talagang parang wala akong pakialam, {February] 14 is dead to me whoa (laughs).”

Paano naman kaya niya sinusuyo ang girlfriend kung natatampo ito sa kaniya?

“Ako mag-gift ako. So bibigyan ko talaga siya ng mga chocolates or ‘yung mga favorites niyang mga food.”

“Pupunta talaga ako kung nasaan man siya eh long distance relationship kami eh taga-Marikina ako, tapos taga-Parañaque siya. LDR na ‘yun.”

Matapos sumali sa reality TV singing contest na To The Top, nag-concentrate sa pag-aaral si Cholo dela Cruz.

Ngayon naman busy siya sa pag-promote ng bago niyang single under Viva Records na ‘(are we) just friends.’

Aminado si Cholo na nakaka-relate siya sa mensahe ng kaniyang kanta. 

Paliwanag nito, “Opo feeling ko parang once in my life naman. Hindi ako makapagbigay ng concrete example pero feeling ko naman at one point in my life napa-tanong ako parang, ano ba tayo ba talaga o hindi?” 

Check out the full interview of Cholo dela Cruz in Sikat sa Barangay: