Sikat sa Barangay: Paano ginagawa ang 'flying eagle' pose ng online sensation na si Dante Gulapa? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Game na game na nakipagkulitan at hatawan ang online sensation na si Dante Gulapa sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle kahapon, February 27. Silipin ang kanyang naging pagbisita dito:

Sikat sa Barangay: Paano ginagawa ang 'flying eagle' pose ng online sensation na si Dante Gulapa?

By AEDRIANNE ACAR

Game na game na nakipagkulitan at hatawan ang online sensation na si Dante Gulapa sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle kahapon, February 27.

 

Dante Gulapa
Dante Gulapa

 

 

 

 

 

WATCH: Maine Mendoza, ginaya ang 'eagle pose' ng online sensation na si Dante Gulapa

Matatandaan na tinutukan ng mga Kapuso ang special feature ng former macho dancer sa magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho noong nakaraang Linggo ng gabi.

Isa sa mga tinanong ni Mama Belle kay Dante ay kung paano ginagawa ang signature ‘flying eagle’ pose niya?

Aniya, “Kailangan bago mo siya gawin iba-balance mo muna. Hindi mo kaagad na mape-perfect 'pag ginawa mo sa una.”

Hindi din naiwasan ni Dante na maging emosyonal sa one-on-one interview ni Mama Belle, dahil sa mainit na suporta ng mga tao sa kaniya.

Kuwento niya, sobrang daming opportunity na dumadating sa kaniya ngayon matapos mag-viral ang kaniyang dance video.

Aniya, “Kumbaga ngayon talaga sobra po akong natutuwa hindi naman po ako nahihirapan, kahit pa udlot-udlot lang ‘yung tulog ko daming oportunidad na binibigay sa akin.

“Ayoko po sana talagang umiyak pero napapa-iyak po ako dahil sa sobrang saya. Dahil po sa nararanasan ko sa araw-araw na kung sino-sino na lang pong artista at mga sikat na blogger pumupunta sa bahay. Sobra-sobra po ako nagpapasalamat sa inyo, kasi kung hindi dahil po sa inyo wala talaga ako rito ngayon sa kinauupuan ko.”

Muling balikan ang Sikat sa Barangay interview ng viral sensation na si Dante Gulapa sa Facebook Live video below.