Sikat sa Barangay: Hazel Faith at Nasser, na-challenge sa kanilang Air Supply song cover | GMANetwork.com - Radio - Articles

Handog ng OPM singers na sina Nasser at Hazel Faith ang isang exciting collaboration na sumubok sa talento nila bilang performers.

Sikat sa Barangay: Hazel Faith at Nasser, na-challenge sa kanilang Air Supply song cover

By AEDRIANNE ACAR

Handog ng OPM singers na sina Nasser at Hazel Faith ang isang exciting collaboration na sumubok sa talento nila bilang performers.

 

Hazel Faith at Nasser
Hazel Faith at Nasser

 

Sikat sa Barangay: Bakit naisipan makipag-collaborate ni Mark Bautista kay Andrew E.?

Sa one-on-one interview ng dalawa sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle kahapon, March 19, ibinahagi nila ang mga pinagdaanan nila para sa gumawa ng cover version ng isa sa patok na kanta ng banda ng Air Supply.

Saad ni Nasser “Kakauwi ko lang po kasi from Singapore, umuwi ako para lang dito sa song na ‘to, para sa collaboration namin ni Hazel Faith.”

Dagdag ni Nasser: “It’s the first time to do a collab with her and sobrang privileged ko po. Itong collab po na 'to, bubuhayin po namin ang isang immortal song ng Air Supply kakantahin po namin siya with a touch of Hazel Faith and Nasser. Excited kami kasi medyo mataas ‘yung kanta.”

Inamin ni Hazel Faith na kailangan nilang ibigay ang ‘best’ nila para mabigyan ng justice ang kanta.

Saad niya, “Pareho po kami na-challenge sa kantang ito. The way na na-challenge kami sa mga remakes namin before. Ito chinallenge ulit kami na kailangan we do our very best and ma-surpass namin ‘yung sarili namin.”

Balikan ang kulitan at chikahan nina Nasser at Hazel Faith sa Sikat sa Barangay sa Facebook video below.