Jak Roberto on playing Dante Gulapa: 'Matagal ko na gusto gawin...' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Abangan ang pagganap ni Jak Roberto bilang si Dante Gulapa sa 'Magpakailanman' ngayong Sabado, March 16.

Jak Roberto on playing Dante Gulapa: "Matagal ko na gusto gawin..."

By AEDRIANNE ACAR

Ilang araw na lang at mapapanood na ang kuwento ng buhay ng viral sensation na si Dante Gulapa sa high-rating weekly drama anthology na Magpakailanman.

 

 

IN PHOTOS: Ang kuwento ng buhay ni Dante Gulapa sa 'Magpakailanman'

Gaganap bilang Dante Gulapa ang isa sa pinaka hottest leading man sa Kapuso network na si Jak Roberto.  

Bakit tinanggap ni Jak ang ganitong klase ng role?

Sa one-on-one interview ng Talk To Papa kay Jak, hindi na daw niya pinalagpas ang pagganap bilang si 'Big Papa' ng social media. 

“Nung binigay sa akin ‘yung role, hindi ako nagdalawang isip na tanggapin. Bukod sa pagiging sikat ni Dante Gulapa sa social media, matagal ko na gusto gawin ‘yung mga ganitong role na talagang napaka-challenging.”

Dagdag pa ni Jak, “Hindi lang sa emosyonal kundi pati sa pisikal na estado. Kailangan mong aralin  ‘yung sayaw, kailangan mong palambutin ‘yung giling mo. Sobrang na-challenge ako,”

Panoorin ang exlcusive interview ni Jak kasama sina Papa Obet at Papa Marky sa Talk To Papa sa Facebook live video below.