Talk To Papa: Yasser Marta, regalo para sa ina ang 'Magpakailanman' episode na 'Nang Ako'y Iwan Mo' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Malaking blessing para sa Kapuso heartthrob na si Yasser ang maging lead sa first guesting niya sa Magpakailanman at inaalay niya ito sa kanyang ina.

Talk To Papa: Yasser Marta, regalo para sa ina ang 'Magpakailanman' episode na "Nang Ako'y Iwan Mo"

By AEDRIANNE ACAR

Wagas na pag-iibigan ang mapapanood sa episode ng Magpakailanman na may pamagat na ‘Nang Ako’y Iwan Mo’ this week.

 

Yasser Marta
Yasser Marta

 

Megan Young at Benjamin Alves, gaganap na mag-asawa sa 'Magpakailanman'

Bibida sa naturang kuwento ng high-rating weekly drama anthology ang Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Yasser Marta.

Sa panayam ng Talk To Papa kay Mikee, sinabi niya na masasaksihan sa episode ng Magpakailanman ang tagos sa puso na love story nina Lara at Mico.

Paliwanag ng Kapuso actress,  “Nung ine-explain pa lang ng director namin, si Direk Monti (Parungao), bago kami mag-taping kasi two days straight din kami noon. Naiiyak na ako dun sa script pa lang. Sinasabi niya na, in life everything we have is just borrowed kasi sa huli hindi mo naman madadala ‘yung lahat ng yaman mo, lahat ng makukuha mo at lahat ng mayroon ka.”

“This love story emphasizes ‘yung importance of telling the person you love what you feel for them.”

Malaking blessing naman para sa Kapuso heartthrob na si Yasser ang maging lead sa first guesting niya sa Magpakailanman.

Dagdag ng One Up member, regalo niya ang pagganap niya sa Kapuso show para sa pinakamamahal niyang ina.

Ani Yasser, “Nagulat ako, hindi ko in-expect. Sobrang blessed at nagpasalamat talaga ako unang-una sa Mama ko. Kasi itong episode na ito shinut namin, saktong birthday niya, so two days kami na hindi nagkita. At saka ito ‘yung regalo ko para sa kaniya.”

Binigay din daw niya ang best niya para magampanan ang role niya sa Magpakailanman dahil isa itong malaking opportunity na mas makilala ng mga Kapuso.

“Palagi ko naman iniisip ‘yun sa lahat ng bagay, sa lahat ng trabaho na binigay dapat isipin talaga natin na gawin natin ‘yung best natin.”