Sikat sa Barangay: Ano ang inspirasyon ni Drei Raña nang isulat niya ang single na 'In My Dreams'? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bumisita ang singer na si Drei Raña sa 'Sikat sa Barangay' nitong April 23 at nagkuwento ito tungkol sa naging inspirasyon niya para maisulat ang kanyang single na "In My Dreams."  

Sikat sa Barangay: Ano ang inspirasyon ni Drei Raña nang isulat niya ang single na "In My Dreams"?

By AEDRIANNE ACAR

Paano ba nagsimula ang singing career ng YouTube performer at heartthrob na si Drei Raña?

 

Drei Raña
Drei Raña

 

Sa exclusive na chikahan nila ng Sikat sa Barangay host na si Mama Belle nito lamang April 23, ni-reveal ng OPM singer na dati siyang dancer bago nakilala sa pagkanta.

 

WATCH: Mama Emma at Lady Gracia, kumasa sa "Dalagang Pilipina" challenge

Kuwento ni Drei, “Nag-start po talaga ako as a dancer. Nung kinder to high school, before I went to college dancer po talaga ako… Lately ko na lang na-develop ang singing talaga.”

Ngayon, isa na siya sa mga promising OPM talent at ang single niya na “Ligaya” ay mayroon ng three million streams sa Spotify.

This time, pino-promote naman ni Drei ang kaniyang hugot single na “In My Dreams.”

Sa panayam niya kay Mama Belle, umamin ito na isinulat niya ang kanta noong panahon na mayroon siyang pinagdadaanan.

“Nung time na sinulat ko ito, ‘yung feeling ko medyo down nung time na 'yun. Actually itong song na ito para sa mga taong iniwan ng mga mahal nila sa buhay and the only way to see them or makasama sila is through panaginip.”

Panoorin ang naging pagbisita ni Drei dito: