Talk to Papa: Saan humuhugot ng lakas si Aiai Delas Alas sa dami ng kaniyang commitments? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Aiai Delas Alas on where she gets her energy from: “Siguro time management and sobrang dasal..." Read more:

Talk to Papa: Saan humuhugot ng lakas si Aiai Delas Alas sa dami ng kaniyang commitments?

By AEDRIANNE ACAR

Muling papatunayan ng Comedy Queen na si Aiai Delas Alas ang pagiging box office queen niya sa Mother’s Day offering ng Viva Films na ‘Sons of Nanay Sabel’ na mapapanood na in cinemas nationwide starting May 8.

 

Aiai Delas Alas
Aiai Delas Alas

 


WATCH: Most Wanted Singing Lodi ng Sta. Mesa belts out KZ Tandingan's power ballad

Makakasama ni Aiai sa pelikula ang Ex Battalion members na sina Daryl, Archie, King Badger, James, Mark at Rhenn.

Bida din sa big movie ang former Miss International na si Kylie Versoza, Nova Villa, Jon Santos, Fabio Ide at anak din ni Aiai na si Sophia Delas Alas.

Nakakagulat na sa kabi-kabilang showbiz commitments ng multi-awarded comedienne ay nagagampanan pa rin niya ang role bilang nanay sa apat niyang anak.

Bukod kasi sa ‘Sons of Nanay Sabel’ makakasama din siya sa first movie ni Super Tekla na ‘Kiko En Lala’ at napapanood din siya sa Kara Mia at every weekend sa Sunday PinaSaya.

Busy din si Aiai sa iba’t-ibang business ventures.

Sa panayam kay Aiai sa Talk To Papa last Monday (May 6), ibinahagi niya kung saan siya humuhugot ng lakas para makayanan ang trabaho at commitments niya ngayon.

Aniya, “Siguro time management and sobrang dasal na sana, Lord, kayanin ko ito. Lord, bigyan mo ako ng lakas ng katawan kasi parang kulang na lang hati-hatiin ko ‘yung katawan ko para matapos ko lahat sa isang araw mahirap din,”

Panoorin ang full interview nina Papa Obet at Papa Markly sa Comedy Queen sa video below.