Sikat sa Barangay: Ken Chan, naniniwala na maraming millennials ang makaka-relate sa kantang "1 Like"
May 21 2019
Ano nga ba ang naging inspirasyon ng Chinito heartthrob na si Ken Chan sa bago niyang single with GMA Music na "1 Like"?
Sikat sa Barangay: Jake Zyrus, aminadong kinakabahan pa rin tuwing magpe-perform
Sa panayam ni Mama Belle kay Ken sa Sikat sa Barangay, sinabi nito na inspired ang "1 Like" dahil sa popularidad nito ngayon ng social media.
Wika niya, “Ang ibig sabihin ng "1 Like" kasi 'di ba. Mama Belle, sobrang uso ngayon sa mga millennials, kahit hindi sa millennials, sa araw-araw na buhay natin lagi natin ginagamit ang social media. Sa trabaho, sa career.”
Perfect din ang single niya sa millennials na nakakatagpo ng ‘special someone’ nila thru social media.
“Parang napansin ko din most of us ngayon nakakatagpo tayo ng minamahal natin or special someone because of social media.”
Dagdag niya, “Kapag may mga crush tayo meron tayong gusto, nakakadagdag confidence at nakakalakas ng loob 'pag sa social media mo siya idi-DM (Direct Message).”
Catch the full interview of Ken Chan on Sikat sa Barangay below.
Comments
comments powered by Disqus