WATCH: Michael V to take moviegoers to a roller coaster ride of emotions in 'Family History' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Panoorin ang naging pagbisista ng multi-awarded comedian na si Michael V sa 'Sikat sa Barangay' para i-promote ang kanyang family drama movie na siya mismo ang nag-direk, ang Family History.

WATCH: Michael V to take moviegoers to a roller coaster ride of emotions in 'Family History'

By AEDRIANNE ACAR

Todo ang tawanan sa episode ng Sikat sa Barangay ni Mama Belle kahapon, May 22, dahil special guest niya ang Kapuso comedy genius na si Michael V.

 

Michael V
Michael V

 

Michael V and Dawn Zulueta commend BiGuel for their professionalism and drive to learn

Bumisita sa Barangay ang multi-awarded comedian para i-promote ang kanyang family drama movie na siya mismo ang nag-direk, ang Family History.

Ngayon pa lamang ay mainit na ang pagtanggap ng mga Kapuso sa latest film ni Michael V matapos umabot sa one million views ang first teaser nila sa Facebook.


Sa one-on-one interview ni Mama Belle kay Direk Bitoy, nagpasalamat siya sa mga fans na patuloy na tumantangkilik sa kanyang trabaho dahil nagsisilbing inspirasyon sila lahat para sa kanya.

Aniya, “Definitely ‘yung audience I would say na sila ‘yung nagdala lahat dito sa akin sa kinalalagyan ko kaya I owe it to them na i-share naman ‘yung talento at t\saka mabigyan saya sila sa pamamagitan ng mga karakters na ang pinanggalingan din eh mga kasama ko dati.”

Makakasama ni Michael V sa Family History ang ilan sa pinakamagagaling na bituin sa showbiz tulad ng leading lady niya na si Dawn Zulueta, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, John Estrada, Ina Feleo, Mikoy Morales, Vince Gammad, Nikki Co, Jemwell Ventinilla, Nonie Buencamino, Paolo Contis at Kakai Bautista.

May special roles din sa Family History ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at superstar comedienne Eugene Domingo.

Ano kaya ang dapat i-expect ng mga Kabarangay kapag nanood ng Family History?

Paliwanag ni Michael, “Parang roller coaster pagiging datingan nito para kang sumakay sa roller coaster, iba-ibang emosyon mararamdaman mo habang pinapanood ito.”

“Maraming tawa, may iyak, may galit at kung ano-ano pa.”