WATCH: Ano ang magiging role nina Kiray Celis at Gil Cuerva sa Super K, Wonder K episode ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Tawa at magandang aral ang hatid nina Kiray Celis at Gil Cuerva sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko.'

WATCH: Ano ang magiging role nina Kiray Celis at Gil Cuerva sa Super K, Wonder K episode ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko?'

By AEDRIANNE ACAR

Isang bagong kuwento na kapupulutan ng aral ng mga Kapuso ang mapapanood sa number one weekly-magical anthology on TV na Daig Kayo Ng Lola Ko.

 

Gil Cuerva at Kiray Celis
Gil Cuerva at Kiray Celis

 

LOOK: Kilig photos of Clint Bondad and Kiray Celis

Daig Kayo Ng Lola Ko: Meet Clint Bondad's new leading lady!

Bibida sa istorya ni Lola Goreng na Super K, Wonder K ang Kapuso idols ninyo na sina Kiray Celis, Gil Cuerva, at Clint Bondad sa isang superhero adventure na kagigiliwan na naman ng mga bata.

 

 

Sa exclusive interview ng dalawa sa Sikat sa Barangay, nagkuwento sila ng ilang detalye sa roles nila sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Paliwanag ni Kiray Celis, “Ako si Kakai dito isang normal na tao na nagbebenta ng ice candy at darating sa buhay ni Kakai sa hindi inaasahang pagkakataon biniyayaan siya ng super powers.”

Gagampanan naman ni Gil Cuerva ang karakter ni Paolo sa Kapuso show.

“Ako ‘yung parang kuya ng bayan. So parang ako ‘yung kuya na nagbibigay ng mga advice sa mga bata sa bayan. Siyempre idol na idol ko tong si Super Kiriray (Kiray Celis).”

Mahalaga din ang aral na hatid ng Super K, Wonder K episode sa mga chikiting.

Ayon kay Kiray, “Para sa mga bata na manonood sa amin, ang lesson na makukuha niyo dito is hindi kailangan maging superhero para tumulong.”

Balikan ang tawanan at kulitan kasama sina Kiray Celis at Gil Cuerva sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa video below.