EXCLUSIVE: 'Bidang-bida sa Dobol B,' hatid ang umaatikabong showbiz news at blind items tuwing hapon! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Tinutukan ng mga Kapuso at Kabarangay ang pilot airing ng pinakabagong showbiz news program sa AM station na 'Bidang-bida sa Dobol B!' Read more:

EXCLUSIVE: 'Bidang-bida sa Dobol B,' hatid ang umaatikabong showbiz news at blind items tuwing hapon!

By AEDRIANNE ACAR

Tinutukan ng mga Kapuso at Kabarangay ang pilot airing ng pinakabagong showbiz news program sa AM station na Bidang-bida sa Dobol B!

Sa pangunguna nina Tootie, Mega at Janna Chuchu, napuno ng tawanan at juicy showbiz stories ang first episode nila ngayong Lunes ng hapon, June 3.

WATCH: Bigger and better 'Dobol B sa News TV' starting this June!

 

 

Sa panayam ng GMANetwork.com sa hosts ng Bidang-bida sa Dobol B, ikinuwento nila ang mga dapat abangan sa kanilang radio program tuwing hapon.

 

Ayon kay Mega, mas hands on sila sa preparasyon nila sa kanilang radio progam para mapag-isipan ang content na mapapakinggan ng mga listeners sa kanila.  

Dagdag naman ni Janna Chuchu, mas nakaka-excite din ang mga ipapalabas nilang blind item sa Bidang-bida sa Dobol B na mula sa mga hosts.

Aniya, “Tapos nagshi-share kami like for example may blind item... open ako sa mga stories na galing sa mga kapwa ko anchors.”

Hindi rin daw dapat palagpasin ang mga showbiz news na tampok ang paborito ninyong artista.

Wika ni Mega, “Talagang hindi niyo kakayanin ang mga showbiz balita. Mga hindi ninyo ine-expect na si ganitong artista o mapapa 'idol ko 'yan pero bakit ganyan parang ayokong maniwala.’”

“Maloloka at mag-iisip ka talaga totoo ba 'yang balita na 'yan. Mapapa-isip ka talaga para siyang thriller.”

Proud din ibinalita ni DJ Janna Chuchu na kagigiliwan ng kanilang avid listeners ang segment nila na ‘Dear BB.’

“Malay nila, sa susunod na Dear BB (Baklang-Bakla), ‘yung story naman nila ang ma-feature,”

Tutukan ang funny trio nina Tootie, Janna Chuchu at Mega sa Bidang-bida sa Dobol B, Lunes hanggang Biyernes 2PM to 3PM sa nangunguna at hindi mapantayan na Super Radyo DZBB!