Sikat sa Barangay: Dawn Zulueta, humanga sa versatility ni Michael V | GMANetwork.com - Radio - Articles

Walang tulak kabigin si Dawn Zulueta kapag napag-uusapan ang leading man at direktor niya sa pelikulang ‘Family History’ na si Kapuso comedy genius Michael V.

Sikat sa Barangay: Dawn Zulueta, humanga sa versatility ni Michael V

By AEDRIANNE ACAR

Walang tulak kabigin si Dawn Zulueta kapag napag-uusapan ang leading man at direktor niya sa pelikulang Family History na si Kapuso comedy genius Michael V.

 

Dawn Zulueta
Dawn Zulueta

 

LOOK: Dawn Zulueta sets Instagram on fire with throwback bikini photo

Sunud-sunod ang radio at TV guestings ni Ms. Dawn sa Kapuso Network para i-promote ang family drama movie nila ni Michael V na co-production ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment.

Sa exclusive interview ni Papa Obet kay Dawn, nagkuwento ito ng first-hand experience kay Michael V bilang isang direktor.

Aniya, ginawa ng multi-awarded comedian na maging magaan sa set lalo na at kalagitnaan ng summer sila nagsu-shoot for Family History.

“Well first of all napakagaan niya katrabaho and bukod pa dun matagal na ako humahanga sa kanya, dahil iba siyang klaseng komedyante.”

“Matalino siya, siya nagsusulat ng sarili niyang mga skit, scripts.

“Unang-una nagpapatawa siya palagi sa set, ang gaan-gaan niya sa set kahit siya ‘yung direktor. He makes sure na everybody is comfortable lalo na nung time na [nag-shoot] kami, summer noon ang init-init.”

“Pero hindi mo makikita sa kanya ‘yung nag-aalala siya. Talagang he really did his best to keep us all together. Lahat kami komportable at relax. So doon pa lang, I’m very grateful for that.”

Pinuri rin ni Dawn Zulueta ang creativity ni Michael V na kitang-kita sa mga popular comedy skits and character na binigyang buhay niya sa Bubble Gang.

“Matalino siya, siya nagsusulat ng sarili niyang mga skit, scripts. Siya ‘yung nagke-create ng mga characters that we have all grown to love.

“So, para sa akin malaking konsiderasyon ‘yun to work with him dahil nga sa tinagal-tagal na namin dito sa industriya.”

Naniniwala rin ang model-actress na makikita ng moviegoers sa Family History ang husay ng kanyang leading man pagdating sa drama.

“And siyempre bukod pa talaga dun, napakagaling niya talagang artista dahil nakita ko talaga dito na hindi lang talaga siya pang comedy. He is so versatile. Magaling siya mag-drama,”

Balikan ang full interview ni Ms. Dawn Zulueta sa Sikat sa Barangay in the video below.