Mike Enriquez at Arnold Clavio, umamin na nakakatanggap ng death threats | GMANetwork.com - Radio - Articles

Paano hinaharap nina Mike Enriquez at Arnold Clavio ang mga death threats? Alamin sa article na ito.

Mike Enriquez at Arnold Clavio, umamin na nakakatanggap ng death threats

By AEDRIANNE ACAR

Diretso ang sagot ng mga multi-awarded Kapuso news personality na sina Mike Enriquez at Arnold Clavio sa tanong ng entertainment press kung nakakatanggap ba sila ng pagbabanta sa kanilang buhay.

 

'

IN PHOTOS: The phenomenal team of Super Radyo DZBB

Dobol B sa News TV now airs Mondays to Sundays

Sa grand media conference ngayong Huwebes ng hapon, June 13 para sa mas pinalakas at pinalawig na Dobol B sa News TV, sinabi ni Arnold na parte na ng buhay nila bilang mamamahayag ang mga death threats. 

Aniya, “Bahagi ng trabaho siguro so dagdag security ka. Pero ganon ,eh, lahat naman tayo siguro 'di ba puwedeng [may mangyari], kakampi ko naman nasa taas so bahala na siya.”

Sa kabila nito, sinisuguro naman ng veteran Unang Hirit host na hindi madadamay ang kanyang pamilya para hindi sila mag-alala.

“Hindi ko dinadamay ang pamilya ko kasi sila ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob kung malalaman nila ‘yung mga ganiyang uri ng part ng trabaho mo baka [sila matakot]”

“Kahit ‘yun minsan ang titirahin sa iyo ‘yung family mo para maging weakest point ,'di ba, sinasarili ko lang ‘yun and ‘yun nga sabi magdasal and take additional na mga pag-iingat,”

Umamin naman ang presidente ng RGMA Network Inc. at 24 Oras anchor na si Mike Enriquez na umabot sa punto na kinailangan niya at kanyang asawa na si Lizabeth “Baby o Tita Babes” Yumping ng security detail, dahil sa may nagbabanta sa kanilang buhay.

Pero binigyan diin ng GMA News pillar na dapat tanggapin ng isang journalist, dahil kasama ito sa pinasok nilang propesyon.

“Kung mayrun mang threat kailangan tanggapin namin ‘yun, dahil pinasok namin itong propesyon na ito. 'Pag pumasok ka sa propesyon na ito at ginagawa mo ‘yung ginagawa mo dapat handa ka sa lahat.”

Hindi rin daw dapat basta-basta magpadala sa takot. Payo ni Mike na gawin ang lahat nang pag-iingat, pero ituloy ang trabaho na magbalita na ‘walang kinikilingan, walang pinorotekatahan.’

Kuwento niya, "Alam niyo may security consultant kami. Kapag nakinig ka sa security consultant kung ano ang dapat mo gawin o ‘di dapat mong gawin hindi ka na lalabas ng bahay. Hindi na normal ang buhay mo. Wala ka ng buhay kung susundin mo sila. At 'yun ang talagang gusto mangyari nung mga nagbabanta, ma-terrorize ka na huwag kang kumilos, tumahimik ka na lang.

“Kaya ang philosophy namin about threats is ganito. Gawin ang lahat ng pag-iingat pero ituloy lang ang mga kailangan gawin bilang professional na broadcaster, take all necessary precautions but keep the fire burning.”