Kapuso radio anchor Joel Reyes Zobel, hindi magdadalawang isip iwan ang trabaho para sa anak
June 14 2019
May kurot sa puso ang naging panel interview sa highly-respected radio anchor na si Joel Reyes Zobel. Nangyari ito sa katatapos lamang na grand press conference ng 'Dobol sa News TV' kahapon, June 13.
ICYMI: 'Dobol B sa News TV', araw-araw na!
Napag-usapan kasi ang pagiging ama ni Joel matapos isilang last year ang unang anak niya at ng kanyang misis na si Badez.
Ayon kay Joel, naiintindihan ng misis niya ang buhay niya bilang radio broadcaster, kaya hiling niya na matanggap din ito ng kanyang baby girl.
“You know, I’m poised to celebrate my 30 years in the industry this year. All my life kami lang mag-asawa ang magkasama eh... Akala ko hindi na kami magkaka-baby," ani Joel na inabot ng 15 years bago nabiyayaan ng supling.
"Naintindihan ng asawa ko ‘yung trabaho ko, hindi ko lang alam kung maiintidahan ng anak ko yung ginagawa ko. Pero I hope she understands one day kung ano ‘yung pangangailangan ng trabaho,” ani Joel.
Sa kabila ng demands ng trabaho, binigyan diin ni Joel na ‘family first’ kaya kung hihilingin ng anak na umalis siya sa trabaho niya ay susundin niya ito.
“At any given day of the week including Sunday, pamilya pa rin ako. Kung hihingin ng anak ko na umalis ako sa trabahong ito, I would probably give it to her.”
Comments
comments powered by Disqus