SIKAT: Award-winning actor Allen Dizon, umaming nailang maka-eksena si Clint Bondad sa 'Magpakailanman' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Inamin ni Clint Bondad ang unang akala niya tungkol kay Allen Dizon nang una silang magkita. Panoorin dito:

SIKAT: Award-winning actor Allen Dizon, umaming nailang maka-eksena si Clint Bondad sa 'Magpakailanman'

By AEDRIANNE ACAR

Hindi n’yo dapat palagpasin, mga Kapuso, ang mahusay na pagganap ng award-winning actor na si Allen Dizon at fast-rising leading man na si Clint Bondad sa Magpakailanman episode na "The Roxanne D' Salles Epic Story" ngayong Sabado, June 22.

 

Allen Dizon
Allen Dizon

 

Ipamamalas ng dalawa ang galing nila sa pag-arte sa pamamagitan ng pagganap sa isang challenging role.

Sa panayam nina Allen at Clint sa radio program na Sikat ni Papa Obet, nagkuwento sila ng saloobin nila sa pagganap bilang mga LGBTQ characters sa Magpakailanman.

Wika ni Allen, “First time ko gumawa ng ganitong role, bilang gay. First time ko bihisan, first time ko mag-makeup, first time ko ma-wig. First time lahat”

“Napaka-challenging na role, pero okay naman.

“Medyo awkward kasi pareho kaming lalaki, pareho kaming macho.”

May nakatatawang kuwento naman ang model-actor na si Clint nang makita niya for the first time si Allen Dizon.

Kuwento niya, “Masaya naman, always kung kasama ko si Allen I always enjoy myself naman.

“At siyempre, sa unang-una, sabi ko nga kanina, akala ko si Allen ay bading.”

“Kasi hindi ko naresearch si Allen, wala akong alam, ‘yung mga background, nothing. Basta alam ko lang ‘yung role ko and, of course, pumunta ako sa set.

“And I met him and sabi niya ‘Hey man what’s up, bro?’”

“Hindi pala ‘to bading. Okay, interesting, interesting.”  

Balikan ang panayam ni Papa Obet kina Clint Bondad at Allen Dizon sa Sikat sa video below.

SIKAT: Golden Cañedo promotes latest single "More Than Before"

Magpakailanman presents "Kailan Naging Ama ang Isang Babae: The Roxanne D' Salles Epic Story" (Part 2)