WATCH: Paano binago ng 'The Clash' ang buhay ni Mirriam Manalo?
July 07 2019
Nahanap ng Kapuso diva Mirriam Manalo ang second family niya nang sumali sa singing competition ng GMA-7, ang The Clash.
WATCH: Mirriam Manalo sings 'Dahil sa Pag-ibig' theme song
Sa exclusive chikahan ni Papa Obet kay Mirriam sa “Sikat” last Friday, July 5, sinabi ng singer na itinuturing niyang family ang mga tao dito sa Kapuso Network.
Aniya, “First of all, nagkaroon ako ng bagong family dito sa GMA kasi parang lahat nagmamahalaan, it’s one big family.”
Nagpapasalamat din siya sa trainings na ibinibigay ng GMA-7 para mahubog pa ang kanyang talent sa pagkanta.
“Second, yung mga trainings na binibigay nila sa amin na hindi ko akalain na magagawa ko pa pala.”
Busy ngayon si Mirriam para sa promotion ng newest single niya under GMA Music, ang “Una Ka.”
Ano kaya ang meaning ng OPM ballad na ito?
Paliwanag ni Mirriam, “Actually, very meaningful itong song na ito.
“Yung song po kasi, para po siya sa lahat ng first mo- first heartbreak, first love, kaya lahat makaka-relate.
“Kaya itong song na ito, para ito sa aking baby girl na si Leila.”
SIKAT: Donnalyn Bartolome wants to uplift women with her song "'Di lahat"
Comments
comments powered by Disqus