EXCLUSIVE: Papa Dudut, nahanap ang 'forever' sa pagiging DJ | GMANetwork.com - Radio - Articles

Papa Dudut on loving his job: "...Para sa akin ito na 'yung pinakahuling magiging trabaho [ko] na." Read more:

EXCLUSIVE: Papa Dudut, nahanap ang 'forever' sa pagiging DJ

By AEDRIANNE ACAR

Nagbalik tanaw ang award-winning Barangay LS disk jock na si Papa Dudut sa career niya nang mapag-usapan ang ibig sabihin ng ‘forever’ para sa kanya.

 

 

READ: Papa Ace and Chiko give kulit mornings on L.O.L.

Sa na panayam ng GMANetwork.com kay Mr. Love Stories, sinabi nito na nahanap na niya ang ‘forever’ sa trabaho niya.

Wika niya “Ang forever para sa akin is 'yung forever na pagmamahal sa ginagawa mo, for example, which is what I am doing right now.”

Dagdag niya, “I’m doing radio for almost two decades, I started doing radio when I was 17 and I’m 33 years-old now. And para sa akin ito na 'yung pinakahuling magiging trabaho [ko] na, ang pagiging radio DJ, and this is my forever love na ginagawa.”

Paliwanag din ni Papa Dudut na kahit mayrun siyang pinagkaabalahan tulad ng negosyo niya na salon at massage parlor, tinitibok pa rin ng puso niya ang pagiging FM radio host.

“Though I am in line to new things right now like my businesses pero 'yung pagiging DJ ko is forever pa rin in my heart. At saka 'yung pagiging DJ ko 'yung forever na magbibigay ng advice, forever na magpapatugtog ng mga love songs na makakapag-generate ng masayang pakiramdam sa mga in love, alam mo 'yun? 'Yun 'yung gusto natin ma-accomplsih.”

Forever ang mga nakaka-antig na kuwento ng pag-ibig sa Barangay LS Presents hosted by Papa Dudut from 12NN- 2PM from Monday to Friday.