EXCLUSIVE: Papa Dudut, handa nang pumila para manood ng 'Family History' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Lumabas ang pagiging fan boy ng award-winning radio host at tinaguriang "Mr. Love Stories" na si Papa Dudut nang mapag-usapan ang idolo niya na si Michael V.

EXCLUSIVE: Papa Dudut, handa nang pumila para manood ng 'Family History'

By AEDRIANNE ACAR

Lumabas ang pagiging fan boy ng award-winning radio host at tinaguriang "Mr. Love Stories" na si Papa Dudut nang mapag-usapan ang idolo niya na si Michael V.

 

Papa Dudut
Papa Dudut

 

WATCH: 'Family History' official trailer soars high with 3M views on FB

Ayon sa Barangay LS DJ, sobrang flexible at talented ni Direk Michael na kahit online ay hit ang mga videos niya bilang isang YouTube vlogger.

Wika ni Dudut, "Alam mo ako, isa ako sa super fan ni Michael V. Nung nalaman ko na mayroon siyang YouTube, kahit anong larangan siya pumunta noong nag-digital siya gumawa siya ng YouTube channel niya naging hit kaagad yun."

Kaya hindi na rin daw siya nagulat nang malaman na pinasok na rin ni Michael V. ang film directing via his comeback movie Family History.

Malaking hamon ang project na ito para sa multi-awarded comedian dahil bukod sa pagiging direktor ay siya rin ang sumulat, nag-produce at umarte rito.

"Hindi na ako na-surprise na nalaman ko na magdidirek siya kasi the funny man Michael V., the guy is napaka-talented talaga at napakametikuloso sa ginagawa niya."

Dagdag ng Kapuso DJ na handa na siyang pumila para makapanood lang nito.

"Kaya I'm very excited at isa ako sa mga pipila para panoorin itong pelikula na ito and iba talaga kapag mahal mo 'yung ginagawa mo, 'yung forever ka mag-e-exist at mapapansin doon sa ginagawa mo, kasi mahal na mahal mo 'yung craft (and that is Michael V.)"  

Isa sa mga nagkumbinsi kay Papa Dudut na panoorin ang Family History ay ang mahusay na pagkagawa ng trailer nito at dahil sa catchy theme song na "Ba't Gano'n?" na si Michael V. din ang mismong nag-compose.

Saad ni Papa Dudut, "Magaling (trailer) and tsaka even the theme song ang galing ni Michael V. na gumawa ng kanta. Siya lahat talagang alam mo produkto ni Michael V. talaga.

"You don't have any idea kung ano 'yung mangyayari pa sa mga susunod though ang isa pa sa pinakanatutuwa ako, kasi alam niya kung paano kunin 'yung young audience. Kasi andyan sina Miguel Tanfelix tsaka si Bianca Umali and of course we have the napakaganda Ms. Dawn Zulueta na nag-guest din sa Barangay LS."

Family History is now showing in more than 170 cinemas nationwide!