EXCLUSIVE: Ken Chan at Rita Daniela, aawit ng theme song ng Barangay LS | GMANetwork.com - Radio - Articles

Malaking bagay daw para kay  Papa Obet na siya ang napiling sumulat ng bagong theme song ng Barangay LS 97.1, na kakantahin ng isa sa hottest Kapuso love teams na sina Rita Daniela at Ken Chan. 

EXCLUSIVE: Ken Chan at Rita Daniela, aawit ng theme song ng Barangay LS

By AEDRIANNE ACAR

May bagong achievement ang DJ/composer ng Barangay LS 97.1 na si Papa Obet nang napili siya ng GMA Radio management na sumulat ng bagong theme song ng Kapuso FM radio station.

 

Ken Chan at Rita Daniela
Ken Chan at Rita Daniela

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Barangay LS 97.1 (@barangaylsfm) on

 


Ayon kay Papa Obet, hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang challenge na ito.

“Actually, nung sabihan ako na gumawa ng kanta para sa Barangay LS, na gagamitin as theme song ng bagong campaign, siyempre, masaya ako kasi pinagkatiwalaan ka.

“Sa dinami-dami ng puwede gumawa diyan, ikaw yung naisip ng management na sumulat ng kanta. Hindi na ako nagdalawang isip,”

'EXCLUSIVE: Mama Cy, 'forever' ang entertainment sa Barangay LS 97.1

Dagdag pa ni DJ Obet, bibigyan nila ng ibang kahulugan ang main message ng latest theme song ng Barangay LS 97.1.

Paliwanag niya, “Ang gusto namin ibigay sa mga tao itong kantang ito, ang ‘forever’ ay sa lahat ng aspeto ng forever. Puwedeng walang forever, puwedeng may forever.”

“’Pag sinabing forever, hindi lang basta-basta romantic love na for a couple lang, para sa mag-asawa, hindi, e.

“’Pag sinabi naming forever, para sa lahat, sa kapatid, sa magulang kaklase, katrabaho,”

“Forever mo sa trabaho, forever mo sa craft mo na ginagawa mo.

“Sa passion mo, kung ano yung gusto mo gawin sa buhay na tinuturing mong forever, e, [yun ang meaning ng kanta].”


Ano naman ang nararamadaman niya na sina Rita Daniela at Ken Chan ang kakanta ng sinulat niyang kanta?

Wika niya, “Masaya si Ken at si Rita na talagang trending hanggang ngayon, ‘tapos sila yung hottest love team ng GMA ngayon.

“’Tapos kakantahin nila yung ginawa ko, na gagawin pa naming campaign ng Barangay at mapapakinggan every day sa radyo, malaking achievement.

“Malaking bagay sa akin na kantahin nila.”

Abangan ang bagong single ng #RitKen na “Tayo Ay Forever” soon sa Barangay LS 97.1