EXCLUSIVE: Kapuso DJs, proud kay Papa Obet na sumulat ng bagong kanta ng RitKen na 'Tayo ay Forever' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Proud ang buong Barangay LS family dahil si Papa Obet ang sumulat at nag-compose ng pinakabagong theme song ng Kapuso FM station na "Tayo ay Forever."

EXCLUSIVE: Kapuso DJs, proud kay Papa Obet na sumulat ng bagong kanta ng RitKen na "Tayo ay Forever"

By AEDRIANNE ACAR

Proud ang buong Barangay LS family dahil si Papa Obet ang sumulat at nag-compose ng pinakabagong theme song ng Kapuso FM station na "Tayo ay Forever." Kinanta at binigyang-buhay naman ito nina Ken Chan at Rita Daniela.

 

Papa Obet
Papa Obet

 

WATCH: Official music video of RitKen's new single "Tayo ay Forever"

Ayon sa award-winning DJ na si Papa Dudut, patunay lamang si Papa Obet na ‘hitik’ sa talent ang Barangay LS 97.1.

Wika niya, “Well I’m very happy and proud that the composer and the original singer is Papa Obet, who is a member of the family of Barangay LS, which means ang Barangay LS talaga is punong-puno dito ng mga talented personalities.”

Malaki rin daw ang impact sa radio listeners nila ang bagong theme song ng kanilang istasyon na “Tayo ay Forever,” dahil ‘catchy’ at madaling sabayan ito.

“When I heard the song, ‘yung kanta will give big impact sa mga nakikinig kasi catchy, madaling sabayan at ito 'yung magiging theme song. Ang term namin diyan is theme song ng Barangay LS.”

Para naman sa ‘Hugot Queen’ na si Mama Emma, ramdam niya ang ‘emosyon’ sa tuwing maririnig ang bagong official theme song.

Ani DJ Emma, “Ito 'yung tipong hinaharana ka lang and I think sinasabayan nila kung ano ‘yung mood ng tao ngayon, which is puro hugot, puro ma-emo. So, nung narinig ko yun ‘ay ma-emosyon.’ Punong-puno ng feelings.”

Taos-puso rin ang pasasalamat ni Mama Cy a.k.a the Palaban Beauty sa love team nina Ken Chan at Rita Daniela sa pagpayag nilang dalawa na maging parte ng bagong campaign ng Barangay LS.

“Ito hindi lang isa double power ‘to, kumbaga sa sasakyan ito na yung Mustang o Ferrari mo na pangmalakasan talaga and very thankful kami kina Ken (Chan) and Rita (Daniela) na pumayag sila to be with us sa campaign.

“Kasi malaking bagay na dadalhin rin nila 'yung brand ng Barangay LS 97.1, kasi dalawa sila sa talagang sinusundan ngayon na Kapuso artist.”