Kilig web series ng RitKen, trending online! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Trending ang digital project nina Rita Daniela at Ken Chan par asa LS 97.1.

Kilig web series ng RitKen, trending online!

By AEDRIANNE ACAR

Tulad ng pagbuhos ng matinding ulan ngayong Agosto ay wala ring patid ang pagbaha ng positive reactions para sa kilig web series ng Barangay LS 97.1 kung saan tampok ang love team nina Ken Chan at Rita Daniela o RitKen sa kanilang fans.

 

 

Nag-trend ang bagong digital project na ito ng RitKen last Monday, August 5 sa list ng Twitter Philippines gamit ang hashtag na RitKenOnLSForever.

 

Pinuri din ng mga Kapuso at Kabarangay ang chemistry nina Rita at Ken na unang sumikat sa afternoon primetime series na My Special Tatay.

 

 

Heto at panoorin muli ang kilig video na "The Start of Forever" na may mahigit sa 475,000 views na sa Facebook!