READ: Ken Chan, tinuturing na blessing na mapasama sa bagong campaign ng Barangay LS | GMANetwork.com - Radio - Articles

Buong puso ang pasasalamat ng Kapuso leading man na si Ken Chan na napili sila ni Rita Daniela ng Barangay LS 97.1 na mapasama sa bago nilang campaign  at kumanta ng bagong theme song ng istasyon na “Tayo ay Forever.”

READ: Ken Chan, tinuturing na blessing na mapasama sa bagong campaign ng Barangay LS

By AEDRIANNE ACAR

Buong puso ang pasasalamat ng Kapuso leading man na si Ken Chan na napili sila ni Rita Daniela ng Barangay LS 97.1 na mapasama sa bago nilang campaign  at kumanta ng bagong theme song ng istasyon na “Tayo ay Forever.”

 

Ken Chan
Ken Chan

 

WATCH: Ken Chan at Rita Daniela thank those who watched "Tayo ay Forever" music video

LOOK: Kilig moments with Rita Daniela and Ken Chan at the music video shoot of "Tayo ay Forever"

Sa interview kay Ken ng miyembro ng entertainment press ngayong hapon, August 8 sa launched ng collaboration niya with the Peculiar Eyewear, itinuturing niyang ‘blessing’ na pinili sila ni Rita for this big project.

Wika niya, “Yung Barangay LS 97.1 eh kami ‘yung kinuha nag-repackaged sila, so dati “tugstugan na” ngayon “forever” and sobrang blessed kami ni Rita (Daniela) dahil kami ‘yung kinuha ng Barangay LS 97.1 na makasama nila at maging face ng radio station ng GMA-7.”

Nakakatuwa rin daw na malaman na nagbunga ang effort nila ng kanyang kapareha nang mag-viral ang ginawa nilang music video na “Tayo ay Forever’ na may mahigit sa 1.3 million views na sa Facebook.

“Mayrun kaming ginawang kanta na “Tayo ay Forever” sobrang happy kami kasi million views na po. Hindi lang po sa kanta, mayrun din pinoroduce na digital short film ang Barangay LS 97.1 [kung saan bida kami ni Rita].”

READ: Kilig web series ng RitKen, trending online!

Abangan din mga Kabarangay ang pagbabalik telebisyon ng RitKen sa bagong primetime series na One of Baes soon sa GMA-7!