WATCH: Wendell Ramos, pinuri si Katrina Halili sa versatility nito sa 'Prima Donnas' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Naka-chikahan ni Mr. Love Song Papa Obet kahapon, August 22 ang dalawa sa bida ng  pinakabagong Kapuso afternoon soap na 'Prima Donnas.'

WATCH: Wendell Ramos, pinuri si Katrina Halili sa versatility nito sa 'Prima Donnas'

By AEDRIANNE ACAR

Naka-chikahan ni Mr. Love Song Papa Obet kahapon, August 22 ang dalawa sa bida ng  pinakabagong Kapuso afternoon soap na Prima Donnas.

 

 

#ViralNaPo: Barangay LS "Feels Like Forever' digital short film reaches 1M views on FB!

'Prima Donnas' pilot episode trends nationwide

Bumisita sa Barangay LS radio booth sina Wendell Ramos at Katrina Halili na gumaganap sa mga karakter nina Jaime Claveria at Lilian Madreal.

Sa panayam, pinuri ni Wendell Ramos ang co-star niya sa Primma Donnas dahil sa ipinamalas nitong versatility.

Ayon sa former Bubble Gang hunk, hindi lamang magaling na kontrabida si Katrina Halili, kundi magaling din siyang protagonist sa bagong drama series.

Saad ni Wendell, “Even kami nila Aiko Melendez, na-surprise kami doon sa napakagandang role ni Ms. Katrina Halili. Although ginagawa na niya talaga ‘yung mga kaawa-awa na scenes or different from her usual na ginagawang mga kontrabida role... ngayon ibang Katrina Halili.”

Panoorin ang panayam kay Wendell Ramos at Katrina Halili sa Sikat sa Barangay LS sa video below.