Kelvin Miranda, ramdam ang pressure sa pelikula niya na 'The Fate' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Masisilayan ng ang husay sa drama ng Kapuso teen actor na si Kelvin Miranda sa full-length film na ‘The Fate.’

Kelvin Miranda, ramdam ang pressure sa pelikula niya na 'The Fate'

By AEDRIANNE ACAR

Masisilayan ng ang husay sa drama ng Kapuso teen actor na si Kelvin Miranda sa full-length film na ‘The Fate.’

 

Kelvin Miranda
Kelvin Miranda

 

WATCH: Wish fulfilled para kay Ruru Madrid ang bagong single na 'Nawawala'

Kelvin Miranda, a movie star on the rise

(Full trailer of the movie 'The Fate' ) 

Sa guesting ni Kelvin sa afternoon radio talk show na Sikat with Papa Obet, ikinuwento nito kung paano iikot ang istorya ng ‘The Fate’ na ipapakita ang kumplikadong relasyon ng karakter ni Kelvin na si Karl sa kanyang ina na iiwan siya.

Saad ng teen actor, “Ang istorya po kasi ng ‘The Fate’ isang kuwento ng isang pamilya na naghahangad ng isang magandang buhay. Hanggang sa nagkaroon sila ng problema mag-nanay, kinailangan umalis nung nanay niya,

"Aalis ‘yung nanay ko, iniwan ako mag-isa natuto ako mabuhay ng mag-isa, lumaban sa dagok ng buhay. Naging independent hanggang sa naging mangangalakal ako dito hanggang sa bumalik sa akin ‘yung nanay ko kasama ng tatay ko.

“Nagkaroon uli sila ng panibagong anak, which is ‘yung kapatid ko dito na makakasama ko (tapos) iniwan niya ulit kami,”

Aminado rin si Kelvin Miranda na may pressure na gawin ang ganito klaseng pelikula na isang ‘heavy drama.’

“’Yung ‘The Fate’ kasi heavy drama siya, tapos sobrang kinabahan ako kasi sobrang laking responsibilidad bilang aktor at nakaka-pressure!”

Nagpasalamat din ang guwapong binata sa kanilang producer, direktor at pati rin sa Kapuso Network para sa oportunidad na maging parte ng ‘The Fate’ movie.

“Kaya malaking pasasalamat ko sa producer kay Ms. Leny Tamisin at kay Direk Rey Coloma, dahil nagtiwala sila na magampanan ko ang isang karakter na nilikha ni Direk Rey Coloma at sa GMA din,”

Check out Kelvin Miranda’s full interview in Barangay LS below.