WATCH: Princess Velasco, ikinuwento kung bakit naibigan niya ang single na 'Kaunti Na Lang' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Balikan ang chikahan nina Papa Obet at Princess Velasco sa 'Sikat' tungkol sa bagong single ni Princess na 'Kaunti Na Lang.'

WATCH: Princess Velasco, ikinuwento kung bakit naibigan niya ang single na "Kaunti Na Lang"

By AEDRIANNE ACAR

Tinamaan agad ang OPM acoustic princess na si Princess Velasco nang mapakinggan for the first time ang bago niyang single under GMA Music na "Kaunti Na Lang."

 

Princess Velasco
Princess Velasco

 

Princess Velasco returns with new single "Kaunti Na Lang"

 

Sa one-on-one chikahan ng OPM singer kay Papa Obet sa Sikat, ikinuwento niya kung bakit niya nagustuhan ang “Kaunti Na Lang” na iba sa mga kinakanta niyang love songs in the past.

Wika ni Princess, “Ang nagsulat si Noel Zuñiga tapos ang title niya ay 'Kaunti Na Lang.' So ‘yung first lyrics, ‘yung mga first words niya 'Pag parang napapagod ka na, ‘di na mahakbang ang iyong paa, tanawin ang dulo.' It’s a song about hope.

“And the first time I heard it nung pinarinig sa akin nina Sir Kedy sa GMA Music, parang gusto ko ‘yung song na yan.”

Nakumbinsi lalo si Princess Velasco na itong single na ito ang gusto niyang kantahin, dahil sa message ng kanta.

Paliwanag niya, “Halos lahat ng kinanta ko mga love songs, kasi lahat naman tayo nakaka-relate sa mga love songs talaga.

“Iba-ibang klase ng pag-ibig. ‘Yung malungkot, ‘yung masaya. Lahat tayo nakaka-relate diyan somehow, May pinarinig sa akin na love song, okay naman, nagustuhan ko naman din siya.

“Pero nung narinig ko ito, ito ‘yung pangalawang pinarinig sa akin, sabi ko iba ‘to. Kasi pagdating ng intro para siyang love song, pero ‘yung story niya is about parang the everyday struggle of the Filipinos.”

Mag-log on sa Facebook page ng BARANGAY LS 97.1FM para balikan ang chikahan nina Papa Obet at Princess Velasco sa Sikat.