WATCH: Angel Guardian, natupad ang pangarap na magkaroon ng sariling single | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ni-release na ng mestiza beauty ang first single niya na “‘Di Ko” under GMA Music.

WATCH: Angel Guardian, natupad ang pangarap na magkaroon ng sariling single

By AEDRIANNE ACAR

Isang bagong milestone ang na-achieve ng commercial model and actress na si Angel Guardian!

Ni-release na ng mestiza beauty ang first single niya na “‘Di Ko” under GMA Music.

Sa one-on-one interview ni Angel kay Papa Obet sa Sikat kahapon, September 18, umamin ito na malapit sa puso niya ang kantang ‘Di Ko, dahil sobra siyang nakakarelate rito. 

Wika niya, “Basically it’s about a girl na umamin dun sa feelings niya sa guy and then it ended up po na ‘yung lalaki may kinuwento sa kanya about another girl na nagugustuhan niya.”

Naranasan na ba niya ang ganitong pangyayari, na umamin sa isang guy, pero may iba itong gusto?

“Before pa, high school days. So doon ako humuhugot.” 

Malaki din ang pasasalamat ni Angel sa GMA Music na tinupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling OPM single.

“Masaya po sobra, and exciting for me. Ngayon ko lang po na-try na mag-record, mag-release ng album.

“Before hindi ko po ito naiisip for myself.

“Dream come true talaga siya for me, kaya ayun excited ako sa mga darating pang araw.”

Balikan ang exclusive interview ni Angel Guardian sa afternoon radio show na Sikat sa video below.