Super Tekla promotes 'Kiko En Lala' movie in 'Talk To Me' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ayon kay Tekla, kakaiba at intense ang mga eksena sa 'Kiko En Lala' na dapat abangan ng mga manonood. “Mas intense ang mga eksena kapag napanood nila."

Super Tekla promotes 'Kiko En Lala' movie in 'Talk To Me'

By AEDRIANNE ACAR

Ipinangako ng Kapuso breakout comedian na si Super Tekla na kakaiba ang ginawa niyang atake sa debut film niya na Kiko En Lala na pinoroduce ng Backyard Productions.

 

Super Tekla
Super Tekla

 

Super Tekla, gusto makapag-promote ng 'Kiko En Lala' sa 'Wowowin'

Makakasama ni Tekla dito ang Comedy Concert queen na si Aiai Delas Alas, Kim Domingo, Derrick Monasterio, Divine Tetay, Kiray Celis, at Jo Berry.

Sa panayam ni Super Tekla ngayong hapon, September 20  sa Talk To Me, ikinuwento niya kay Mama Emma ang mga exciting na mangyayari sa upcoming comedy film niya.

“Mas intense ang mga eksena kapag napanood nila.

“Ibang atake ito, nandito na lahat. May drama, comedy, horror, suspense!”

Dinirehe ng award-winning director na si Adolfo Alix Jr. ang Kiko En Lala at showing na ito in cinemas nationwide sa darating na September 25.